
Napatunayan na ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas na hindi lang pagpapatawa ang kanyang kanyang gawin.
Sa loob ng mahigit tatlong dekada niya sa showbiz, kabi-kabila na ang acting awards na nakamit ng batikang aktres mapa-TV man o pelikula.
Ilan lamang sa mga ito ay ang Best Actress award na iginawad sa kanya ng Cinemalaya Independent Film Festival noong 2018 at Oporto International Film Festival sa Portugal noong 2019 para sa kanyang mahusay na pagganap sa indie film na School Service.
Sa upcoming series na Raising Mamay, asahan ang muling madamdaming pagganap ni Aiai kasama ang StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava.
Hindi pa man ipinapalabas ang bagong drama, nagpatikim na si Aiai ng kanilang tearful scene ni Shayne sa kanyang Instagram account. Gaganap silang mag-ina sa Raising Mamay.
Marami nang beses na gumanap si Aiai bilang ina on-screen pero ipapakita niya rito ang kakaibang side niya ng pagiging aktor dahil sa kakaibang storyline nito at kompleksidad ng kanyang role na dapat abangan.
Tampok din sa Raising Mamay ang Legal Wives star na si Abdul Raman na leading man ni Shayne sa serye na sasailalim sa direksyon ni Don Michael Perez.
Bago pa man tayo maantig kay Aiai sa Raising Mamay, tingnan dito ang career highlights ng Comedy Queen bilang Kapuso: