GMA Logo Aiai Delas Alas
What's Hot

Aiai Delas Alas, naiyak nang alalahanin ang yumaong tunay na ina

By Nherz Almo
Published April 19, 2022 8:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Aminado si Aiai Delas Alas na nanghihinayang pa rin siya na hindi niya nakasama ang tunay na ina nang matagal.

Hindi napigilan ni Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas ang maluha nang tanungin tungkol sa kanyang yumaong tunay na ina.

Sa ginanap na media interview kasama ang GMANetwork.com, tinanong ang Raising Mamay actress kung maituturing niya ang sarili mabuting ina o mabuting anak. Pinili ni Aiai ang una dahil, aniya, wala siyang pagkakataon noon para maging isang mabuting anak dahil hindi niya nakasama kanyang biological mom.

Hindi naman lingid sa kaalaman na lumaki si Aiai sa kanyang tiyahin, isang matandang dalaga na kasama pa rin niya hanggang ngayon.

"Hindi ako masyadong naging better daughter kasi, una, hindi ko nakasama 'yung biological nanay ko. Nakasama ko na siya noong meron na siyang dementia na siya, so hindi na niya ako naaalala. Pero inalagaan ko naman siya in a way na provider," ani Aiai.

Gayunman, kung anumang kalinga daw ang hindi niya nagawa sa kanyang biological mother ay nagawa niya sa kanyang adoptive mom.

"Good daughter pa rin pero mas good mother ako kasi marami akong time na nailaan sa mga anak ko," nakangiting sabi ni Aiai.

Dahil sa kanyang naging sagot, tinanong si Aiai kung nararamdaman pa rin niya ang sakit ng hindi makapiling ang tunay na ina.

Dito, hindi na napigilan ni Aiai ang maluha habang sinasagot ang tanong.

Pag-alala niya, "Kasi minsan... Kunwari, napapagalitan ako ng adoptive na nanay ko, 'tapos kunwari, pinapalo niya ako, naiisip ko na siguro kapag nandun ako sa nanay ko, hindi niya ako papaluin. Siguro pagtitiyagaan niya ako. Siguro kahit nakakainis na 'yung ginagawa ko, hindi niya ako papaluin kasi sobrang mabait 'yung nanay ko. As in sobra, sobra, sobrang mabait siya."

Patuloy pa niya, "Nanghihinayang ako na sana nakasama ko siya noong wala pa siyang Alzheimer's [Disease] para, at least, maramdaman niya na kahit pinamigay niya ako, mahal na mahal ko siya kasi siya 'yung nagbigay ng buhay sa akin.

"At saka naaalala ko kapag nagso-sorry siya sa akin na pinamigay niya ako. I think, hindi rin naman niya gusto 'yon, pero desisyon ng tatay ko na ipamigay ako kasi nahihiya sila sa auntie ko, na parang, 'Kapag babae 'yan, ate, akin na lang, ha.' So, um-oo ang nanay ko, siguro nahiya na lang siya na hindi niya tuparin 'yung oo niya. Pero nagkasakit kasi 'yung nanay ko ng three months noong kinuha ako as a baby."

"Ngayon, kapag naiisip ko 'yun, na sana nakasama ko siya para maramdaman niya na okay lang kahit pinamigay niya ako, mahal na mahal ko pa rin siya."

Taong 2013 nang pumanaw ang tunay na ina ni Aiai. Bago ito, nakasama niya ang ina sa loob ng dalawang taon.

Samantala, tingnan ang ilang pang celebrities na adopted sa gallery na ito: