What's on TV

Aiai Delas Alas, nakatanggap ng birthday messages mula sa kanyang pamilya at kapwa Kapuso stars

By Maine Aquino
Published November 8, 2021 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of Luzon, Visayas — PAGASA
Cebu makes a special appearance in K-drama 'Boyfriend on Demand'
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Alamin kung kaninong birthday greeting ang nagpaiyak kay Aiai Delas Alas.

Napuno ng nakaka-touch na messages ang birthday ni Aiai Delas Alas sa Sarap, Di Ba?

Nakatanggap si Aiai ng mensahe mula sa malalapit sa kanya sa showbiz tulad nina Alden Richards, Ken Chan, at Christian Bautista.

Aiai Delas Alas and Alden Richards

Photo source: Sarap, 'Di Ba?

Saad ni Alden na deserve ni Aiai ang mabubuting bagay sa kanyang buhay.

"Ms. Ai, happy happy birthday. Kahit hindi man tayo nagkikita ng madalas ngayon, mahal na mahal kita. I hope to see you soon, I hope to work with you soon again. Ingat ka palagi and I wish you nothing but the best kasi you deserve the best because you are a great person."

Si Ken naman ay ikinuwento kung bakit maraming nagmamahal kay Aiai.

"It's your fault kung bakit maraming nagmamahal sa'yo. 'Yung kabutihan ng puso mo, ay talagang kitang kita ko."

Biniro naman ni Christian na ito na ang hinahanap ni Aiai na video greeting para sa kanyang birthday.

"Happy happy birthday, our friend. God bless you. I hope that you will be reunited with your hubby soon sa Amerika. And, it's always a pleasure to judge The Clash with you."

Nagbigay rin ng mensahe ang kanyang mga anak na sina Sancho at Sophia.

"Happy birthday. I love you so much. I wish you good health, and more wealth," saad ni Sancho.

Ikinuwento naman ni Sophia ang nakakatuwang moments nila ni Aiai. Binati niya rin si Aiai ng "Happy birthday, mama. I love you so much. Thank you for everything that you've done for us. Thank you for always supporting me and everything that I do. I love you, mama!"

Naluha naman si Aiai nang makita niya ang mensahe ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

"Happy birthday, darl. Ito wala naman akong ibang sasabihin kung hindi happy birthday."

Dugtong pa ni Gerald, "I love you, at mag-ingat ka palagi. Magkita tayo soon dito sa Virginia."

Napanood rin ang short birthday greeting ni Seth para sa kanyang mommy Aiai.

Panoorin ang nakatutuwang reaksyon ni Aiai sa mga nagbigay ng mensahe sa kanyang birthday sa video sa itaas.

RELATED CONTENT:

Kapuso Confessions: Sino ang artistang nagturo ng magandang life lesson kay Aiai Delas Alas?