
Nanawagan si Aiai delas Alas sa mabilis na aksyon ni Mayor Joy Belmonte kasunod ng isang riot na naganap sa pagitan ng mga sundalo at residente sa Quezon City.
Ibinahagi ni Aiai ang isang video kung saan nagkakagulo sa Barangay Bagong Pag-asa matapos manawagan ng mga residente ng tulong na pagkain mula sa lokal na pamahalaan.
Sabi ng Kapuso star, “Mayora at mga officials ng QC... Ibigay niyo na para di na sila mag rally bukod sa kawawa naman na sila walang makain magkakahawaan pa yan kasi lumalabas. Isa tayo sa madaming may covid-[19]. Please naman, salamat po.”
Si Aiai ay bahagi rin sa ilang pagtulong sa mga kababayan sa panahon ngayon ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Aiai delas Alas commends Mayor Vico Sotto's COVID-19 initiatives
Aiai Delas Alas slams bashers who says she's hoarding alcohol and hand sanitizers
Aiai Delas Alas asks public to stop spreading fake Coronavirus news