GMA Logo Aiai delas Alas
Photo source: Gerlyn Mae Mariano
Celebrity Life

Aiai delas Alas on her first Kapuso Food Fair experience: 'Super, super successful'

By Karen Juliane Crucillo
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated July 21, 2025 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai delas Alas


Ibinahagi ni Aiai delas Alas ang kanyang successful na negosyo na naging tampok sa Kapuso Food Fair 2025.

Maliban sa pagiging isang comedy queen, proud business owner din si Aiai delas Alas.

Noong July 17 at 18, nagkaroon ng pagkakataon si Aiai na ibahagi ang kanyang food business na Martina's Bread & Pastries sa Kapuso Food Fair 2025.

Sa exclusive interview ng GMA Network.com, puno ng saya ang comedy queen dahil successful ito sa kanyang unang pagsali sa nakaraang food fair.

"Hindi lang successful. Super, super successful. Thank you so much sa lahat ng clients, sa lahat po ng bumili sa akin, maraming, maraming salamat. At saka, it is a very fun experience and iba pala 'yung experience ng food fair kasi this is my first time," sabi ni Aiai.

Ikinuwento ni Aiai na isa din ang kanyang anak na si Sancho ang nag-udyok sa kanya na sumali dito.

Dagdag nito. "Ayun nga lang, naubusan kami ng tinda pero masaya talaga 'yang problema na 'yan."

Ibinahagi din ng aktres na "suwerte" ito pagdating sa business at masaya siya dahil sa lahat ng pinagdaanan niya ay naging matagumpay pa din ang kanyang food business na ito.

Nagsimula ang kanyang food business noong pandemic at naging inspirasyon niya ito dahil halos lahat ng tao ay nawalan ng trabaho noon.

"Nag-start ito noong pandemic, which is 'di ba lahat tayo, walang work tapos since ako naman ay nag-culinary then yung son ko si Sancho is graduate ng culinary. Sabi ko, magtinda kaya tayo ng tinapay, so ayun, nagtinda kami," ikinuwento nito.

Bilang aktres, hindi daw nagkakalayo ang kanyang passion sa pagiging businesswoman.

"Wala siyang kinaiba kasi sa lahat ng ginagawa ko sa buhay ko, lahat ng passion ko, patience, resilience, lahat nilalabas ko talaga para maging successful ako. Kumbaga, hands on ako in everything," ipinaliwanag ni Aiai.

Nakapagtapos si Aiai ng baking course sa APCA Philippines, isang pastry at culinary school sa Taguig City noong 2021.

Samantala, tingnan dito ang kaganapan noong Kapuso Food Fair 2025: