GMA Logo Aiai Delas Alas
What's on TV

Aiai Delas Alas on her return to 'The Clash:' 'Parang baby ko na 'to'

By Jansen Ramos
Published September 12, 2024 6:40 PM PHT
Updated September 13, 2024 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: July 26, 2026
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail
Farm to Table: Ihawan festival with Hershey Neri, Sugar Mercado, and Robb Guinto

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Uuwi at uuwi si Aiai Delas Alas ng Pilipinas hangga't may 'The Clash.'

Halos apat na dekada na sa showbiz ang nag-iisang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas at patuloy pa rin ang kanyang paglabas sa TV at paggawa ng iba pang shows kahit sa Amerika na nakatira.

TIla wala pang planong tumigil si Aiai sa pagtatrabaho dahil grateful siya sa mga project na kanyang natatanggap, gaya ng The Clash 2024 kung saan isa siya sa mga hurado.

"Laban lang kasi hindi naman lahat binibigyan ng pagkakataong magkaroon ng project at saka magkaroon ng work. And we're so blessed na lahat kami ay may work at kahit alam nilang sa Amerika ako nakatira, binibigyan pa rin nila ako ng show, that's why I really love GMA Kapuso," ani Aiai sa media conference ng The Clash 2024 ngayong Huwebes, September 12, na ginanap sa GMA Studio 7.

Ayon sa batikang komedyante, binabalik-balikan niya ang The Clash, na sixth season na ngayon, dahil attached na siya sa programa.

"Parang baby talaga namin 'to e. Kumbaga, unang una, original 'to na GMA show na hindi franchise, and then 'yung maraming twists. Iba, kumbaga, Filipino made kaya mahal na mahal namin 'tong The Clash."

Mananatili ring parte ng panel ang kapwa original The Clash judge ni AIai na sina Christian Bautista at Lani Misalucha. Magbabalik din sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang Clash Masters.

Mapapanood ang The Clash 2024 tuwing Sabado, simula September 14, 7:15 p.m. sa GMA at online via Kapuso Stream. Magiging available ang live streaming nito sa YouTube channel at Facebook page ng The Clash 2024, at sa Facebook page ng GMA Network.

Ipapalabas din ang all-original Filipino singing and reality search sa GTV sa oras na 9:45 ng gabi.

Ang The Clash 2024 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

RELATED: Sneak peek at the fun set of The Clash 2024