GMA Logo Aiai Delas Alas
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Aiai Delas Alas on relationship with Kris Aquino: 'Okay na kami'

By Kristian Eric Javier
Published February 14, 2026 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

M/V Trisha Kerstin 3 death toll reaches 54 as another body found
Young Negrense swimmers excel at Bangkok swim championship
Marian Rivera, Martin Nievera, Janice de Belen, Jed Madela unbox fun at new Pop Mart store in QC

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Magtutuloy-tuloy na ba ang muling pagkakaibigan nina Aiai Delas Alas at Kris Aquino?

Nilinaw ni Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas na maganda na ngayon ang relasyon nila ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Matatandaan na nagkaroon sila ng tampuhan noon, dahilan para magkaroon ng haka-haka ang mga tao na iyon ang dahilan ng paglipat niya noon ng network. Kalaunan ay nagkaayos din ang dalawa.

Ngunit sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, February 12, nilinaw ni Aiai na okay na sila ngayon ni Kris, at binati pa niya ang dating actress-TV host para sa kaarawan nito ngayong February 14.

“Happy birthday, friendship, and happy birthday din kay Miss Heart Evangelista,” sabi ni Aiai.

Dito, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon nina Aiai at Kris.

Sabi ni Aiai, “Okay kami, nag-usap na kami.”

Sabi ni Boy, may mga bagay lang talaga na kailangan ng panahon para mangyari ito, bagay na sinang-ayunan naman ng Comedy Concert Queen.

“Sabi nga, time heals all wounds,” sabi ni Aiai.

Dagdag pa ng aktres, “I wish her well because she's my friendship all the way.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hiniling ni Aiai ang paggaling ni Kris. Noong 2022, bago pa lumipad si Kris abroad para sa kaniyang health treatments, ay sinagot ni Aiai ang isang komento tungkol sa kaniyang friendship sa Instagram.

“Makikimaritesss h[a]bang di busy, ano pong masasabi niyo Ms. Ai sa p[a]gkakasakit ni Kris na dati mong fr[ie]ndship?” tanong sa kaniya ng netizen.

Sagot ng comedienne dito, “I hope gumaling na siya…God bless her.”

Matatandaan na dumadaan ngayon si Kris sa isang matinding pagsubok tungkol sa kaniyang kalusugan. Natagpuan kasi na mayroon siyang autoimmune diseases at allergic siya sa ilang mga gamot at bitamina na kinakailangan niya para dito.

Nitong February, nagbigay ng health update si Kris kung saan ibinahagi niyang nakauwi na siya sa bahay matapos ang “six rollercoaster weeks” sa ospital. Magbibigay pa umano ang Queen of All Media ng mas detalyadong update tungkol sa kaniyang kalusugan at mga pagsubok niya dito kapag umeere na ang kaniyang upcoming podcast.

“I'll discuss my health challenges when the #KrisPodcast is ready for your viewing and listening, and experts can explain to you why every day God gives is simply 'borrowed time.' I am praying hard my 'RETURN TO OWNER' date is still a decade away,” sabi ni Kris.

Panoorin ang panayam kay Aiai dito:

TINGNAN ANG CELEBRITIES NA TINAPOS NA ANG KANILANG MGA ALITAN SA GALLERY NA ITO: