
Sa paghahanda nina Aiai Delas Alas at ng OPM icons na sina Rey Valera, Marco Sison, at Hajji Alejandro para sa kanilang Valentine show na “Hitmakers and Ai” ay naalala nila ang kasamahan nilang si Rico J. Puno na pumanaw noong 2018.
Celebrities, fans mourn the death of OPM icon Rico J. Puno
Kuwento ni Aiai, nami-miss niya ang biruan nila ng kaniyang Kuya Rico. “Ako nalulungkot ako talaga kasi madalas ko makasama si Kuya kahit hindi ako Hitmakers, 'tsaka nami-miss ko 'yung binabastos niya ako."
Dagdag niya, "Pumipili lang ako ng bumabastos sa'kin eh. Kapag sa iba na-offend ako, si Kuya okay lang sa'kin. Parang siya lang may lisensiya.”
Para kay Hajji naman, naalala niya ang pagiging masayahin ni Rico J. “Ayaw 'non ng malungkot, ang gusto niya laging masaya. Ako ang memories ko sa kaniya, masaya siyang kasama. Nalulungkot lang ako kapag may kakantahin akong kanta niya, kasi yung physical presence niya wala na.”
Pinuri naman ni Rey Valera ang magaling na pagiging komedyante ni Rico J. “Bihira 'yun 'yung kasama mo sa stage na kabatuhan mo. Alam natin 'yung comedy nasa timing, it's not something scripted. Si Rico J. kahit hindi nakakatawa yung sasabihin niya, pero dahil napakagaling ng timing niya matatawa ka. Bihira 'yung mga ganyan. Napakasarap sa stage when you surprise one another, hindi niyo pinag-usapan, pero ang bilis ng balik niya sa'yo, na nakakatawa.”
Gaganapin ang “Hitmakers and Ai” sa New Performing Arts Theater sa Resorts World Manila ngayong February 15.