GMA Logo Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan
What's Hot

Aiai Delas Alas on Valentine's: "Baka naman hindi pa ipinapanganak 'yung magiging jowa n'yo"

By Cherry Sun
Published February 9, 2021 4:41 PM PHT
Updated February 9, 2021 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan


Alamin ang buong love advice ni Aiai Delas Alas para sa malamig ang Valentine's Day ngayong taon!

Puno ng positivity at hugot mula sa kanyang personal na karanasan ang advice ni Aiai Delas Alas para sa mga hindi pa nakakahanap ng kanilang “The One” ngayong darating na Valentines' Day.

Aiai delas Alas and Gerald Sibayan

Ibinahagi ni Aiai ang kanyang words of wisdom pagdating sa pag-ibig nang harapin ng Philippine Comedy Queen ang members ng entertainment press para sa virtual media conference ng Owe My Love nitong Huwebes, February 4.

Mensahe niya, “'Wag kayong mawalan ng pag-asa, nakita n'yo naman ako 'di ba. Sino naman mag-aakala na makakapag-asawa pa ako? Nakita n'yo naman asawa ko, bagets. So hintay-hintayin n'yo pa rin, baka naman hindi pa ipinapanganak 'yung magiging jowa n'yo.

“Hintay-hintay lang. Darating din 'yan, kung bigay ni Lord para sa inyo. Hintay-hintay lang, 'wag mainip. Tingnan mo nga 'yung akin, 'di ba. Ganun lang 'yun. Happy lang.”

Tingnan ang kilig moments nina Aiai at asawa niyang si Gerald Sibayan dito:

Samantala, nagbigay rin ng suggestions ang Owe My Love stars na sina Lovi Poe at Benjamin Alves sa kung paano maaaring i-celebrate ng mga single ang Araw ng mga Puso.

Kung noong nakaraang taon ay nakapiling ni Lovi ang kanyang boyfriend na si Monty Blencowe sa US, ang kanyang co-stars naman ang kapiling niya ngayong taon dahil mananatili sila sa lock-in taping. Gayunpaman, wala raw ibang hinahangad ang aktres.

Aniya, “There's so many ways to celebrate Valentine's Day. Parang kami ngayon, lahat kami nandito ngayon sa lock-in taping tapos malayo kami sa loved ones namin. Ang Valentine's naman, you can celebrate it with friends 'di ba. I mean, wala na akong hahanapin pang iba kasi lahat na ng klaseng Valentine's makukuha ko from everyone here. So yeah, with friends is an amazing way to celebrate Valentine's.”

Paalala naman ni Benjamin, mahalagang mahalin muna ang sarili bago maghanap ng pagmamahal sa iba.

Wika ng aktor, “Kahit gaano kalamig 'yung season mo this Valentine's Day, don't forget to really, 'yun nga, take care of yourself. Practice really loving yourself first, and sabi nga po ni Ms. Ai, darating po 'yan. Basta dapat pag dumating na siya, ready ka na. Just enjoy it.

“At kung talagang sobrang lamig, February 15, the very next day ng Valentine's Day, pwede kayong manood ng Owe My Love at sana mabigyan ka ng warmth ng pilot episode po namin.”

Ang Owe My Love, ang inaabangang rom-com series sa produksyon ng GMA Public Affairs, ay mapapanood na simula Lunes, February 15.

Kabilang din sa stellar cast ng programa sina Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Mike “Pekto” Nacua, Ryan Eigenmann, Buboy Villar, Kiray Celis, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Terry Gian, at Mahal.