
Idinaan sa biro ni Aiai Delas Alas ang nasayang na pagkakataon na tanggapin nang personal ang bagong acting award niya mula sa katatapos lamang na 39th Oporto Int'l Film Festival.
Aiai delas Alas wins best actress in Oporto International Film Festival
Ayon sa Sunday Pinasaya star, mabuti raw na hindi siya nakasama sa School Service director niyang si Louie Ignacio sa Porto, Portugal, dahil malas sa tuwing dumadalo siya sa international film festival kung saan siya ay nominado bilang Best Actress.
“Sa Kazakhstan, di ba, pumunta ako?” sabi ni Aiai.
Ang tinutukoy ng tinaguriang Queen of Comedy ay ang pagdalo niya sa 12th Eurasia International Film Festival para sa dati niyang indie film na Area noong 2016.
Dagdag na biro ni Aiai, “Lotlot ako. Jo Lastimosa at saka Lotlot and friends ako. Kaya stay na lang sa Philippines. Kapag stay sa Philippines, winner.”
Ang Lotlot ay beki word na ang ibig sabihin ay talo. Samantala ang Jo Lastimosa ay ginagamit naman para sabihing malas.
Aminado naman si Aiai na may panghihinayang na hindi niya personal na tinanggap ang Best Actress award.
Aniya, “Nagkakataon na hindi ako nakakasama talaga. Tingnan mo 'to, dapat kasama ako talaga, hindi na naman ako natuloy.”
Gayunman, natutuwa siya sa panibagong acting recognition na kaniyang natanggap.
Sa katunayan, nakalimutan na niya na nominado rin siya sa naturang film festival dahil iba ang nasa isip niya.
“Na-shock ako kasi nakalimutan ko na nominated pala ako sa Portugal.
“Kasi, di ba, parang lumabas na nominated ako sa Queens, parang dun ako naka-focus.
“E, matagal pa naman 'yon, so nagulat ako na, 'Oo nga pala, nominated din ako sa Portugal,” ani Aiai.
Aiai Delas Alas, nominado sa Queens World Film Festival
“God is good all the time,” dagdag pa niya tungkol sa kaniyang muling pagkapanalo.
“Thankful ako sa blessings ko, na palagi akong nananalo ng award sa mga indie film na ginagawa naming ni Direk [Louie Ignacio].
“Suwerte kong ka-tandem talaga si Louie sa ganyan.”
Ikalawang parangal na ito para kay Aiai para sa kaniyang pagganap sa School Service.
Una siyang itinanghal na Best Actress sa Cinemalaya Film Festival noong nakaraang taon.
Hindi raw niya akalain na mula sa pagiging komedyana, magiging isang award-winning actress siya.
Pabirong pahayag niya, “Nagulat nga ako na nanalo ako ng mga international-international [award], hindi dito [sa Pilipinas].
“Feeling ko, pangmahirap kasi talaga ang face ko. Ganun talaga.
“Di ba, kapag dito, kapag mayaman ako, tuwang-tuwa ako kasi mayaman ang role.
“Kasi, usually ang role ko ay mahirap ako, inaapi akong asawa, binubugbog ako. True to life… dati.
“Pero parating ganun ang mga role ko, di ba, nakakatawa.”
Bagamat hindi nakadalo sa Oporto International Film Festival, may plano pa rin daw si Aiai na pumunta ng Portugal para bisitahin ang Our Lady of Fatima Shrine. Isa kasing Marian devotee ang Kapuso actress.
“Gusto lang din pumunta sa Portugal, magpapasalamat ako kay Mahal na Ina. Sana sa May, sana makapunta ako,” pagtatapos niya.