GMA Logo aiai delas alas
What's on TV

Aiai Delas Alas, parang OFW sa 'Owe My Love' lock-in taping

By Nherz Almo
Published January 11, 2021 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

35 repatriated OFWs arrive in PH in time for New Year
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Itinuturing daw ni Aiai Delas Alas na biggest challenge ang swab tests sa lock-in taping, "Parati kaming sinu-swab! Masakit din ang swab, ha, sa totoo lang."

Aminado si Comedy Queen Aiai delas Alas na katulad ng karamihan ay lubos rin siyang nag-alala nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

"Wala akong trabaho. Iniisip ko kung paano ko mabubuhay ang pamilya ko," sabi ni Aiai nang tanungin kung ano ang pinakamatinding challenge na hinarap niya ngayong may pandemic.

Nakausap ng GMANetwork.com at ilan pang piling entertainment media si Aiai matapos pumirma ng panibagong endorsement deal sa Hobe Noodles kanina, January 11.

Nagpapasalamat si Aiai na kahit papaano ay patuloy na dumating ang oportunidad tulad ng endorsements at ang bagong season ng The Clash. Naging maganda rin ang takbo ng kanyang bagong tayong business, ang Martina's Bread & Pastries.

"Na-pull ko naman siya, hindi naman ako namatay at kumain naman kami, so okay, God is good," sabi ni Aiai.

Dagdag pa niya, "Minsan kasi may mga bagay talaga tayo na hindi natin maipaliwanag na nangyayari.

"Ako, naniniwala ako, lalo na nung nag-pandemic, dun ko napatunayan na marami palang bagay na hindi natin kailangan.

"Ang kailangan lang talaga natin ay si Lord lang.

"Minsan hindi ko nga maisip kung paano ako naka-survive ng nine months na wala akong trabaho, na karamihan sa atin ganun ang nangyari, di ba?

"Pero, di ba, mare-realize mo, 'Ay, kumakain kami,' mayroon kaming tubig na iniinom, buhay kami.

"Di ba, doon mo mare-realize na, oo nga, si Lord lang talaga yung masasandalan mo sa mga bagay na hindi mo inaasahan.

"So, yun pa rin, prayers pa rin, trust kay Lord na hindi niya tayo pababayaan."

Lock-in taping

Bukod sa endorsements, naging abala rin kamakailan si Aiai sa bago niyang TV project, ang Owe My Love.

Kabilang si Aiai sa Kapuso actors na sumailalim sa 55-day lock-in taping para sa upcoming primetime series, na pagbibidahan nina Benjamin Alves at Lovi Poe.

Para sa comedy actress, biggest challenge ding maituturing ang karanasan niya sa lock-in taping dahil sa madalas na pagsa-swab test sa kanila.

"Parati kaming sinu-swab! Masakit din ang swab, ha, sa totoo lang. Bawat kibot, swab," sabi ni Aiai na hindi na mabilang kung ilang swab test ang ginawa sa kanya sa loob ng Owe My Love bubble.

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Kwento pa niya, "Nandun lang kami parati, magkakasama. 'Tapos on Sunday, may lunch, dinner, kasi kami lang talaga ang magkakasama doon, e.

"Para kaming mga OFW. Uuwi lang kami pagkatapos ng kontrata namin.

"May pros and cons din. Kunwari, hindi ko kasama ang pamilya ko, nalulungkot ako. Dati pwede kang umuwi, 'tapos babalik ka na lang ulit sa taping.

"Pero ngayon, ang maganda rin, tipid sa gasolina kasi ang layo ng Bulacan. Nandun ka lang, hindi ka gagastos sa gasolina, hindi ka gagastos sa mga ibang bagay.

"Yun naman ang maganda. kasi tipid din. Dire-diretso kasi once na pumasok na kami doon, bawal na kaming lumabas, e."

Bagamat mahigpit, mabuti na rin daw ito para sa kaligtasan nilang lahat.

"Okay naman kasi sanay na kami sa isa't isa.

"May sepanx nga kami noong nag-uwian kami, parang nalungkot ako. Kasi, sanay ako na nandoon lang ako 'tapos ay nasa bahay na ako ulit," pagtatapos ni Aiai.

Kilalanin ang ibang Kapuso actors na magiging bahagi ng Owe My Love sa gallery na ito: