
May sweet birthday message si Aiai Delas Alas para sa asawa niyang si Gerald Sibayan, na nagdidiwang ng kanyang kaarawan ngayon, November 30.
Ayon sa Kapuso star, humahanga siya sa achievements nito sa buhay simula nang sila ay nagkakilala.
Photo source: @gerald_sibayan
Saad ni Aiai sa kanyang Instagram post, "Noong isang araw lang darl na amaze ako sa itsura mo and yung pag daloy ng panahon."
Kuwento ni Aiai, proud siya dahil nakita niya ang naging transformation ni Gerald.
"Nakita kitang bagets na athlete na may malaking hita na puro muscle bilang nasa badminton national team ka. Naka-graduate, nag-work as coach ng DLSU, tumaba, mas tumaba pa. Nag piloto, medyo pumayat, para makakuha ng lisensya nagpapayat hanggang nag pandemic naging siomai king online franchisee. Ngayon ay super BORTA. hay naku ang haba na ng pinag samahan naten haha."
Natatawang dugtong ni Aiai, napagod siya sa kuwento pero ang nais niya lang naman sabihin ay ang kanyang birthday greeting kay Gerald.
"Parang napagod ako magkuwento e isa lang naman ang sasabihin ko sa tribute ko sayo. HAPPY HAPPY BIRTHDAY MY EX BOYFRIEND, MY KA TSISMISAN, MY BEBE, MY DARL."
Inihayag rin ni Aiai ang kanyang pagmamahal at wish sa asawa.
"Have a blast my dear husband. I love you so much @gerald_sibayan"
Silipin ang ilang mga kilig moments nina Aiai delas Alas at Gerald Sibayan sa gallery na ito: