What's Hot

Aiai Delas Alas, pressured ba sa bagong pelikulang 'And Ai Thank You?'

By Bianca Geli
Published August 5, 2019 3:16 PM PHT
Updated August 5, 2019 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran war spreads to Red Sea and Caspian, Gulf quiet as US forgoes strikes
Severe flooding hits Davao City; residents rescued
Moviegoers are turning to Google Search after seeing 'The Odyssey'

Article Inside Page


Showbiz News



Sa mahigit na 50 na pelikulang nagawa niya, nakakaramdam pa ba ng pressure si Comedy Queen Aiai Delas Alas?

Sa kaniyang 30 years sa industriya, nag-marka na si Aiai Delas Alas bilang isa sa pinaka sikat na female comedians sa bansa.

Aiai delas Alas
Aiai delas Alas

Sa mahigit na 50 na pelikulang nagawa niya, nakakaramdam pa ba siya ng pressure na maging hit ang kaniyang mga pelikula?

Sa kaniyang pocket press con para sa bago niyang pelikula na And Ai Thank You, ikinuwento ng aktres na dati raw mataas ang pressure niya sa sarili na maging sikat ang kaniyang mga pelikula.

“Sobra, nung mga nasa 20 years pa lang ako [sa showbiz] after Tanging Ina, 'yun 'yung laging stressed ako kapag meron akong pelikula na ilalabas, kasi masyado akong pressured na kailangan mahigitan ko 'yung Tanging Ina.

Ngayong nasa pang-30 na taon na siya sa industriya, naging mas relaxed na raw ang Comedy Queen. “Pero iba na panahon ngayon, mga millennials na, so okay na ako. Siguro rin modesty aside bukod sa matagal na rin ako sa industriya, 'yun 'yung pinanghahawakan ko.

“Kumbaga, lahat ito napagdaanan ko na. Hindi na ako napi-pressure, wala na akong ipu-prove sa mga tao lahat nagawa ko na. Ito, ini-enjoy ko na lang ito, gift ni Lord ito na extension ng career ko."

Mapapanood din sa And Ai Thank You ang reunion nila ng showbiz friend and fellow comedians na sina Ruffa Maq Quinto at Dennis Padilla. Gaganap sina Aiai at Ruffa Mae bilang magkaribal na aktres.

“Booba 'yung first at ito 'yung pangalawa. Sa Booba ako 'yung kontrabida niya, dito siya 'yung parang kontrabida ko.

“Namiss ko si Peachy (Rufa Mae) makatrabaho at saka nakakatuwa kasi pareho kaming artista [role] rito.

“Si Dennis maingay pa rin sa set pero nakakatuwa. Basta kapag 'yun ang nasa set walang dull moment."

Abangan ang And Ai Thank You, showing na ngayong August 14.

Aiai Delas Alas reveals plans of getting pregnant next year