Ang kapalitan ni Aiai ng mensahe ay ang doktor ni Jiro na si Dra. Bernadette Arcena.
Kuwento ng doktor kay Aiai, may filmmaking activity sa kanilang facility at si Jiro ang tumayong direktor ng grupo. Ibinahagi rin ng doktora na ipapalabas sa facility ang 'Magnifico.' Ang Magnifico ang pelikulang ginawa ni Jiro kung saan siya ay kinilala sa kanyang kahusayan sa pag-arte.