GMA Logo aiai delas alas and daughter sophia
photo from sophdelasalas (IG)
Celebrity Life

Aiai Delas Alas proud of daughter's new achievement

By Jansen Ramos
Published September 11, 2024 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'One Battle After Another' leads Hollywood's Golden Globe nominations
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas and daughter sophia


Ibinida ng 'The Clash 2024' judge na si Aiai Delas Alas ang pagiging life licensed agent sa California ng kanyang nag-iisang anak na babae na si Sophia.

Proud mommy si Aiai Delas Alas sa kanyang nag-iisang anak na babae na si Sophia dahil sa mga accomplishment at kayang gawin nito.

Sa Instagram post ng The Clash judge ngayong Miyerkules, September 11, ibinida niya ang panibagong achievement ng kanyang anak na isa nang life licensed agent sa California.

Para makakuha ng life insurance license sa nasabing US state, kailangang makapasa ang isang aplikante sa exam na kina-conduct ng Professional Service Industries (PSI), ayon sa website ng California Department of Insurance.

Pagbati ni Aiai kay Sophia, "Congratulations sa aking anak na maganda at maraming alam sa buhay ... activity director, tagagawa ko ng mga posters at video, cfo namin sa dsb adeline, dancer ko sa show at ngayun ay life insurance agent na ... namin malamang and pag gusto nyong kumuha ng insurance game na game na sya..."

Dugtong na biro ng Comedy Concert Queen, "Mukang eto ang yayamang anak ko sa hula e hehe .. congratulations budang ding proud mommy #batangmadamingalam #anakongpinainomkongpampatalino😀."

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Si Sophia ay anak ni Aiai sa dating asawa na si Miguel Vera. May isa pang anak si Aiai sa beteranong singer, si Sean Nicolo. Gaya ni Aiai, parehong nakabase ngayon sa Amerika ang dalawa niyang anak.

Kinasal si Sophia sa kanyang boyfriend na si Vince Bautista sa isang civil wedding sa Los Angeles, California noong August 29, 2022.

Ang panganay naman ni Aiai na si Sancho, na isang aktor din, ay anak niya sa late theater actor na si Rey Maltezo dela Cruz.

May adopted son din ang batikang komedyante na nagngangalang Seth.

Related content: IN PHOTOS: Ang mga "anak" ni Aiai delas Alas