GMA Logo aiai delas alas and gerald sibayan
Photo Source: MsAiAiOfficial on Facebook
Celebrity Life

Aiai Delas Alas recalls first date with husband Gerald Sibayan: 'After one month jowa ko na siya'

By Jansen Ramos
Published April 16, 2024 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas and gerald sibayan


Inamin ni Aiai Delas Alas na may kondisyon siya nang inaya siyang mag-date sa unang pagkakataon ng ngayon ay asawa na si Gerald Sibayan. Ano ang kondisyon na ito?

Kamakailan ay nagdiwang ang mag-asawang Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan ng kanilang 10th anniversary bilang couple.

Nagkaroon pa sila ng isang romantic photoshoot kasama ang kanilang fur baby na si Sailor para i-celebrate ang isang dekada nilang pagsasama.

Binalikan din ni Aiai ang first date nila ni Gerald sa isang Facebook post.

Kwento ng Comedy Queen, sa isang coffee shop sila unang nag-date ng kanyang ngayo'y mister.

Pagbabalik-tanaw ni Aiai, "Gerald: Ms Ganda, pwede ka bang mai-date.

"AiAi: Hoy bagets, kung ako ang mag babayad hindi na ko makikipag-date sa'yo.

"Gerald: May pera 'ko, syempre ako mag-babayad

"Aiai : Ok"

Ani Aiai, soya milk at cheesecake lang ang kanyang in-order noong araw na iyon dahil akala niya ay konti lang ang dalang pera ni Gerald.

"Ang arte ko, 'kala ko kasi konte lang dala n'ya. Nakakahiya naman magbakulaw ako sa paglamon."

Matapos ang 10 taon, tinanong ni Gerald si Aiai kung bakit konti lang ang kanyang in-order noong kanilang first date.

Nakakatawang kwento ni Aiai, sana ay kumain sila sa restaurant nang malaman niyang tatlong libo pala ang nasa wallet nito.

"Yun lang nakalimutan ko na ending after one month jowa ko na s'ya . 'Yun lang bye."

Ikinasal sina Aiai at Gerald noong December 2017 sa Christ the King Parish Church in Greenmeadows, Quezon City.

May dalawang anak si Aiai sa dati niyang asawa na si Miguel Vera na sina Shaun Nicolo at Sophia.

Ang aktor na si Sancho Delas Alas ay anak ng komedyante sa namayapang si Rey Maltezo dela Cruz.

May adopted son din si Aiai na nagngangalang Seth Andrei.