
Inamin ni Aiai Delas Alas na nagpa-plano sila ng asawang si Gerald Sibayan na magkaroon ng sariling anak.
Kuwento ni Aiai noong press con ng kaniyang upcoming Valentine show na “Hitmakers and Ai”, pinaghahandaan na raw niya ang pagbubuntis.
“We're going to actively try for one, next year. That's why, right now, hinahataw ko na. Because I will be taking a year off to rest. We will do everything we can to have a child.”
Bukas din naman daw si Aiai sa in vitro fertilization na napaghandaan niya na.
Aniya, “May eggs akong sarili. Sabi ng eggs ko hello, mama,” biro ni Aiai.
Dagdag niya, “Meron na…malapit na wait lang.”
Mapapanood si Aiai sa “Hitmakers and Ai” kasama sina Hajji Alejandro, Marco Sison, at Rey Valera ngayong February 15 sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila