GMA Logo Aiai Delas Alas
Courtesy: msaiaidelasalas IG
What's Hot

Aiai Delas Alas sets criteria for a Valentine's date

By EJ Chua
Published February 14, 2026 3:15 PM PHT
Updated February 14, 2026 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

M/V Trisha Kerstin 3 death toll reaches 54 as another body found
Young Negrense swimmers excel at Bangkok swim championship
Marian Rivera, Martin Nievera, Janice de Belen, Jed Madela unbox fun at new Pop Mart store in QC

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Aiai Delas Alas sa gusto niyang ka-date: “Tingnan ko kung pogi kayo and strong.”

Looking for ka-date ngayong Valentine's Day ang comedian-actress na si Aiai Delas Alas?

Sa kanyang TikTok video na in-upload nitong Biyernes, February 13, may witty siyang panawagan sa mga lalaking interesadong makipag-date sa kanya.

Inilahad niya rin sa video ang kanyang criteria sa makaka-date niya, kung saan isa sa mga binanggit niya ay ang gusto niyang age ng lalaki.

Ayon kay Aiai, “Sige oh, lagay n'yo sa TikTok ha. Age 45 hanggang 65 'yan, pwede 'yan.”

“Iyong 45 to 50, wala 'yung requirements. 'Yung 50 ah siyempre, gusto ko pogi tapos siya magbabayad nung pagkain namin ganyan. Pero 'yung 50 to 60 and above, kailangan makita ko 10 burpees, 15 push-ups, 10 pull-ups, and 5 kilometer run,” sabi niya.

Pahabol pa ni Aiai, “Oh, video n'yo 'yan, ha, tapos tingnan ko kung pogi kayo and strong.”

Mababasa naman sa comments section na maraming netizens ang nag-react at ang ilan ay mayroong mga inireto sa aktres gaya na lang ng kanilang tatay.

Biro pa ni Aiai sa isang netizen, “Ay nasan na picture ng Papa mo?”

@msaiaidelasalas

Tingnan ko nga kung may gagawa hahahahhaha .. matatawa ko pag meron 😂😂😂malay naten dba go mga brad lets do this 😂😂😂

♬ original sound - MS AIAI DELAS ALAS

Si Aiai ay ikinasal sa kanyang dating partner na si Gerald Sibayan noong 2017 at makalipas ang tatlong taon ay kinumpirma niyang hiwalay na sila ng huli.