GMA Logo
What's on TV

Aiai Delas Alas, sinabing marami pang magaganap na twists sa 'The Clash'

By Jansen Ramos
Published October 30, 2019 2:31 PM PHT
Updated December 23, 2019 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI press conference (Dec. 10, 2025) | GMA Integrated News
Love You So Bad stars complete "Love You ___" according to their characters | Online Exclusive
MRT-3, LRT-2 adjust operating hours for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Sinusigurado ni Comedy Queen Aiai Delas Alas na marami pang twists na magaganap sa all-original Filipino singing competition na 'The Clash.'

Sinusigurado ni Comedy Queen Aiai Delas Alas na marami pang twists na magaganap sa all-original Filipino singing competition na The Clash.

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas

"Naku, marami pa kaming mga twist na magaganap sa The Clash. So abangan nila 'yan kasi exciting at saka actually kami nga hindi namin alam," sabi ni Aiai sa panayam ng GMANetwork.com kamakailan.

Ayon pa sa The Clash judge, maging silang mga hurado ay na-e-excite sa mga mangyayari sa kompetisyon lalo na at kumpleto na ang top 16 na maglalaban-laban.

Sambit ni Aiai, "Kami rin na-e-excite kasi do'n pa lang namin nalalaman mismo 'pag nag-sho-show na. Do'n namin nalalaman 'yung mga twists.

"Kaya 'yung mga reaction napaka-raw. Totoo 'yon, medyo tulaley kami, nganga-ngangahan."

Noong Linggo, October 27, binigyan ng second chance ng The Clash panel sina Nef Medina at Princess Vire.

Sa palagay ni Aiai, sina Nef at Princess ang mga karapat-dapat na ibalik sa kompetisyon.

Ani ng Comedy Queen, "Sila 'yung magagaling talaga, sila 'yung nararapat na maglaban sa wildcard round kasi mahusay talaga 'yung dalawang 'yon. Nagkataon lang talaga na magagaling 'yung kalaban nila."

Gayunpaman, isa lang ang pinili ng The Clash panel sa dalawang aspiring singers at ito ay si Nef.

Paliwanag ni Aiai, "Sa The Clash, isa lang ang pwedeng piliin. Hindi ka pwedeng mag-tie kaya mamimili ka lang talaga ng mas angat na angat. Then, sila 'yung worth it na ibalik."

Habang paunti nang paunti ang maglalaban para sa titulong The Clash Season 2 Grand Champion, inamin ni Aiai na mayroon na siyang nagugustuhang makapasok sa grand finals.

"Meron akong top 5 pero siyempre 'di ko naman sasabihin, baka sabihin nila biased ako. Pero sa nakikita ko, nararamdaman ko naman kung sino 'yung papasok ng top 5," pagbunyag ni Aiai.