
Tuloy-tuloy ang #roadtoredemption ng young actor.
By CHERRY SUN
Matapos makalabas ni Jiro Manio mula sa isang wellness facility, sinamahan naman siya ni Aiai Delas Alas na mag-enroll sa isang fitness class.
READ: Jiro Manio leaves wellness facility, is welcomed by Aiai delas Alas and family
Makikita sa litratong ibinahagi ng Philippine Queen of Comedy na naghahanda ang dating child actor na sumailalim sa isang fitness training.

@msaiaidelasalas (IG)
“Go Jiro… May bago na namang papahirapan si Coach @sirkenrioveros hehehe,” sulat ni Aiai sa kanyang Instagram post.
Aniya, ang pagsali rin ni Jiro sa isang fitness class ay bahagi ng kanyang #roadtoredemption.