
Hindi napigilan ni Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas ang na ipahayag ang kanyang saloobin kamakailan sa kanyang Instagram nang marami ang nagsasabing nagho-hoard daw siya ng alcohol at hand sanitizers ngayong panahon na mayroong coronavirus pandemic.
Nagpost kasi ang comedienne ng isang litrato na nagpapakita ng napakaraming kahon na may lamang alcohol at sanitizers.
Paglinaw ni Aiai, ito ay para sa kanyang mga kliyente.
Aniya, “Sa mga nagko-comment na insensitive ako, wala ba kayong positive na ma-i-comment? May nCoV na o magbago na kayo!
“Kaya ako nag-post kasi matagal ng orders 'yan. Pinapaalam ko lang na dumating na.
“Umayos nga kayo at lumayas kayo sa IG ko! At saka 'wag niyo ko mumurahin. Nagbebenta lang ako!!!!”
Sinagot rin ni Aiai ang ilang netizens na nagkomento sa nasabing post.
Sambit ng isang netizen, “Bakit bigla kang nagtinda ng alcohol, Aiai? Sana ang clients mo 'yung badly needed talaga like hospitals. Kahon kahon 'yan ah! Ibig sabihin, namakyaw ka rin? Naisip ko lang.”
Sagot ni Aiai, “Kailangan ko bang i-explain sa inyo kung sino ang client ko? 'Yung iba simbahan, 'yung iba tindahan… O, tapos?”
Komento naman ng isang netizen na baka nagmumukhang insensitive ang post ng Comedy Queen dahil marami ang mga nangangailang ng alcohol at sanitizer sa maliliit na purok.
Paglinaw ni Aiai, “Order po kasi 'yan at matagal na nilang iniintay. Bakit insensitive? 'Di ba nakalagay ready for clients baka kasi akala nila scam ako. Umorder ka sa akin para 'di ako insensitive… insensitive kaagad.”
Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa bansa, marami sa publiko ang nag-panic buying 'di lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.
Kaya naman paglinaw ng Department of Trade and Industry (DTI), kahit na mayroong maraming supply ng alcohol at sanitizer ang bansa, kailangan ay limitahan ng mga retailers sa isa hanggang dalawang bote ang pagbenta nito.
Sangayon naman si Aiai Delas Alas sa inimpose na enhanced community quarantine sa buong Luzon noong Lunes, March 16.
Ani Aiai, mas okay na sundin na lang ang quarantine kaysa maging kritikal sa mga bagong panuntunan gobyerno.
“I will fully support the plan of my government because cooperation is more important than being too critical.”
Celebrities remind public to avoid panic buying amid COVID-19 outbreak
Pokwang, namahagi ng sandwich bilang tulong sa mga pulis at sundalo na naka-duty sa checkpoint