
Isang bonggang special number ang handog ng Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas sa fun noontime program na It's Showtime!
Nitong Miyerkules (November 12), naghatid ng good vibes at slay energy ang comedienne sa pagbabalik ng kanyang singer persona na si AADA.
Mapapa "it's giving" talaga ang viewers sa kanyang performance ng bagong launch single na "Haliparot Delulu." Hindi lang sayaw ang bigay todo ni AADA, kung hindi pati na rin sa pagkanta at aura on stage.
Malaki rin ang factor ng mensahe ng kanyang single, tungkol sa mga pinaasa o kaya naman mga feeling delulu sa pag-ibig.
"Si AADA ay fierce," kwento ng Kapuso artist. " 'Yung last na album ko sa Star Music is AADA talaga. So 'pag singer ako, 'yun ang name ko. Char, char lang 'di ba?"
Kwento rin ng singer-comedienne, espesyal para sa kanya ang naturang kanta dahil tila may pinaghuhugutan ito mula sa kanyang sariling istorya.
"Kasi 35 years ko in the business kaya naglabas ako ng single," aniya.
Dagdag pa ni Aiai, "Mga children, mga sis, ayan na po ang 'Haliparot Delulu' para sa lahat ng napaasa at naging sa katotohanan. Bago 'yan, I want to dedicate this song to myself. Pakinggan n'yo po ang 'Haliparot Delulu' sa Spotify, Apple Music, at lahat ng music platform."
Labis din ang excitement ng Kapuso star na makabalik sa It's Showtime studio. Masayang ipinakita pa ng aktres ang kanyang behind-the-scenes sa isang fun reel sa Facebook.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, tingnan ang iba pang Kapuso stars na nakabisita sa It's Showtime!