
Si Aiai delas Alas ang special guest ng grupong Ex Battalion sa kanilang gig.
Kung nitong Valentine’s day ay special guest sa ‘Ai Heart U’ concert ni Aiai ang hiphop group, ang Philippine Queen of Comedy naman ang naging special guest ng Ex B kagabi, February 17.
Game na game na naki-pose si Aiai sa grupo. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
“Salamat Ex B! Hanggang sa muli. Salamat Zirkoh, kakatuwa ang fans ng Ex Battalion, puro bata,” wika niya.