
Espesyal ang susunod na episode ng limited talk series na My Mother, My Story ngayong Linggo, October 27.
Bilang finale ng programa, makakapanayam ni Boy Abunda ang isa sa kanyang mga matalik na kaibigan, ang kilalang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas.
Ikukuwento ng Kapuso comedy actress ang kanyang madamdaming istorya kung paano siya pinalaki ng dalawang ina--ang kanyang biological mother na si Gloria Hernandez at ang kanyang adoptive mother na si Justa delas Alas. Ibabahagi rin ni Aiai kung paano niya nabuo ang personalidad niyang bilang ina sa entertainment industry at ang impluwensya ng nakilala niyang mga lalaki sa kanyang buhay.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, inilarawan ng King of Talk ang kanilang kuwentuhan bilang isa sa mga challenging na panayam na ginawa niya.
"It was challenging. Napakahirap po mag-interview sa isang taong sobrang malapit sa iyo na halos alam mo kung ano ang sagot sa iyong katanungan," sabi ni Boy Abunda.
Ngunit may mga pagkakataong nasorpresa rin siya sa mga kuwento Aiai, "May mga bagay na sinabi ko during that interview kay Aiai na, 'May mga hindi pa pala ako alam'," kuwento ng host.
Kasabay sa special finale ng season, may ihinandang selebrasyon din ang My Mother, My Story sa kanila dahil, "Aileen and I celebrate our birthday in that particular episode. Kami ay nag-exchange cake ika nga."
Samahan si Boy Abunda pakinggan ang kuwento ni Aiai delas Alas sa huling episode ng TV special na My Mother, My Story. Ngayong Linggo (October 27), 3:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan ang highlights ng My Mother, My Story media conference sa gallery na ito: