GMA Logo Shaun Nicolo and Aiai Delas Alas
What's Hot

Aiai delas Alas thankful after son Nicolo survives car crash in the US

By Aimee Anoc
Published August 18, 2021 10:50 AM PHT
Updated August 18, 2021 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shaun Nicolo and Aiai Delas Alas


"Salamat sa pangalawang buhay ng anak kong si Shaun. I love you, God." - Aiai delas Alas

Umaapaw ang pasasalamat ni Comedy Queen Aiai delas Alas sa Panginoon dahil nakaligtas ang anak na si Shaun Nicolo sa isang aksidente. Biktima ng hit and run ang sinasakyang kotse ni Nicolo at nahulog pa ito sa isang ditch.

Sa Instagram, ibinahagi ni Aiai ang larawan ng nasirang kotse ng anak at ang kasalukuyang kalagayan ni Nicolo matapos ang aksidente.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Base sa screen shot ng pag-uusap nina Aiai at Nicolo, maayos naman ang kalagayan ng anak at tanging pasa lamang sa bewang ang iniinda nito.

"Walang galos, pasa lang sa hips. Kotse nahulog sa bangin. I praise and glorify you Lord God. Salamat sa kabutihan mo at sa [milagrong] ito sa buhay namin. Salamat sa pangalawang buhay ng anak [kong] si Shaun. I love you, God. I love you, Lord Jesus. I love you, Shaun Nicolo," pasasalamat ni Ai Ai.

Sa naunang post ng komedyante, ikinuwento nito ang nangyaring aksidente sa anak.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

"Salamat sa 911 at mga pulis na tumulong sa anak ko na na-hit and run [ang] kotse niya at nahulog sa bangin pero sa milagro ng Diyos walang galos ang anak ko. Pero pina-xray pa rin siya para malaman namin kung wala s'yang internal damage sa katawan niya. Pero grabe Lord, salamat po sa pagliligtas sa anak ko. Walang hanggang pasasalamat," pagbabahagi ng komedyante.

Noong Hunyo, muling nagkasama sina Aiai at Nicolo sa Amerika matapos ang ilang taong hindi pagkikita.

Samantala, narito ang ilang celebrities na nasangkot sa matinding aksidente: