GMA Logo aiai delas alas in raising mamay
What's on TV

Aiai Delas Alas, thankful sa pagbibida niya sa 'Raising Mamay'

By Jansen Ramos
Published April 6, 2022 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas in raising mamay


Babalik sa pagkabata ang mental state ng character ni Aiai Delas Alas sa upcoming GMA drama series na 'Raising Mamay.'

Tumanaw ng utang na loob ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa kanyang home network na GMA.

Mula noong bumalik siya sa kanyang tahanan pitong taon na ang nakalipas ay sunud-sunod ang mga proyektong kanyang natatanggap.

Hindi nawawalan ng proyekto o guesting si Aiai mula 2015 mapa-serye man o variety show.

Ngayong taon, muling mapapanood si Aiai sa panibagong project na pinamagatang Raising Mamay. Espesyal ito para sa aktres kaya hindi niya natanggihan at umuwi pa mula Amerika para gawin ang serye.

"Nais kong magpasalamat sa GMA 7 sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na mabigyan at magbida sa project na ito .. nakakatuwa dahil 7th year ko sa gma 7 @gmanetwork after ako bumalik sa aking tahanan...," bahagi ni Aiai sa kanyang Instagram post ngayong April 6.

Gaganap siya rito bilang Letty, ang inang magkakaroon ng regressive behavioral disorder sanhi ng brain injury matapos aksidenteng mabaril.

Sa launch plug na inilabas ng GMA ngayong Miyerkules, mapapanood na babalik sa pagkabata ang mental state ng character ni Aiai.

Nakakaantig ang bawat eksena sa pagitan niya at ni Shayne Sava na lalabas bilang anak niya na si Abigail. Parte rin ng cast sina Antonio Aquitania at Valerie Concepcion na parehong may kinalaman ang role sa brain regression ng bida.

Nagbigay-pugay naman si Aiai sa buong team ng Raising Mamay na mula sa direksyon ni Don Michael Perez. Special mention pa niya sa kanyang post ang anak niya sa serye na si Shayne na aniya ay "nagpakitang gilas at galing sa pag-arte."

Madalas matunghayang nagpapatawa si Aiai pero, this time, asahan daw na babaha ang luha dahil sa nakakaantig na kuwento ng pagmamahal ng ina sa anak at ng anak sa ina sa Raising Mamay.

"Ang palabas na ito ay hindi lamang kukurot sa inyong puso at tatawa at iiyak ng balde balde, ito din po ay mag bibigay ng aral sa ating lahat na ang pag mamahal ng ina sa anak at ang anak sa ina ay walang kapantay..." aniya.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Ipapalabas ang Raising Mamay simula April 25 sa GMA.

Bago pa man tayo muling maantig kay Aiai sa telebisyon, tingnan sa gallery na ito ang career highlights ng Comedy Queen bilang Kapuso: