
Hindi nakalimot na mamahagi ng biyaya si Comedy Concert Queen Aiai delas Alas sa kaniyang Facebook Live noong nakaraang June 5.
Namigay ng libreng cellphone load at iba pang papremyo si Aiai sa fans niyang sumali sa Facebook Live sa kaniyang online program na "Ai Lavet."
Kuwento ni Aiai sa GMANetwork.com, ito raw ang pag-celebrate niya ng pagkakaroon ng 1 million Instagram followers.
Aniya, "Ito 'yung way of saying thank you ko rin doon sa one million na followers. Namigay ako ng gifts 'tsaka ng load."
Aiai Delas Alas reaches 1 million followers on Instagram
"First time kong mag-live sa Facebook," dagdag ni Aiai.
Ano kaya ang susunod na sorpresang handa ni Aiai ngayong linggo?
Abangan sa official Facebook ni Aiai sa susunod na Biyernes, June 12.
Aiai Delas Alas, ibinahagi ang sikreto sa kanilang marriage ni Gerald Sibayan
Aiai Delas Alas reminds Filipinos under GCQ and MECQ: "'Wag na tayo pasaway"
Watch Aiai Delas Alas's livestream and get a chance to win prizes!