What's Hot

Aiai, Jose, Wally at Marian, maghahatid ng kasiyahan sa 'Sunday PinaSaya' ng GMA

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 9:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Huwag palampasin ang much-awaited premiere ng Kapuso program na siguradong babago sa pangkaraniwang Sunday noontime habit ng bawat Pilipino dahil Sundays are fun days sa 'Sunday PinaSaya.' 
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Level-up na ang GMA Network sa paghahatid ng kasiyahan dahil mapapanood na ngayong Agosto 9 ang Sunday PinaSaya, isang bagong programang maghahatid ng bagong kahuluhan sa variety show tuwing Linggo.
 
Hatid ang iba't ibang klaseng pakwela at patawa, pangungunahan ang programang ito ng Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas kasama ng kinagigiliwang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola, gayun din ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
 
Ibinahagi ni Aiai ang pagkasabik niya sa pagsisimula ng programa, "Sabi ko, parang, game na ba 'to? Kailan na ba magsisimula?' Tapos ayan na, game na talaga. Excited ako kasi this show is comedy based. Patatawanin muna namin kayo bago namin kayo mas lalong pasayahin sa hatid naming mga papremyo. At marami pa rin silang dapat abangan na mga bonggang performances mula sa kanilang mga paboritong artista."
 
Samantala, nagpasilip naman ng ilang detalye si Marian tungkol sa mga bagong pakulo ng kanilang programa. "Patatawanin namin sila, magbibigay kami ng papremyo, at makikita nila ang iba't ibang klaseng talento ng mga cast dito. At ang maganda sa Sunday PinaSaya, hindi lang kami yung makakasama nila dito dahil every Sunday ay may mga Kapuso tayo na pwedeng mag-guest sa show. So everybody's welcome sa Sunday PinaSaya."
 
Sasamahan din sila nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Valeen Montenegro at Jerald Napoles sa mga pakulo at pakwelang hatid ng Sunday PinaSaya
 
Isa sa mga sorpresang hatid ng Sunday PinaSaya ay ang pag-aanunsyo ng mga grand winners sa Kapuso Milyonaryo. Higit 10 milyong halaga ng papremyo ang ipamimigay sa pilot episode ng programa.
 
Huwag palampasin ang much-awaited premiere ng Kapuso program na siguradong babago sa pangkaraniwang Sunday noontime habit ng bawat Pilipino dahil Sundays are fun days sa Sunday PinaSaya