
Nag-propose na ang 40-year-old news reporter na si Mark Zambrano sa kanyang 33-year-old singer-actress girlfriend na si Aicelle Santos. Naganap ang proposal sa Straight Up Roofdeck Bar, Seda Vertis North.
Paano nangyari ang proposal?
Ang alam ng Kapuso singer ay naroon siya para mag-perform para sa isang birthday event. Nang nakarating na siya sa venue, may naghatid sa kaniya papunta malapit sa LED monitor kung saan may nag-flash na pictures nila ni Mark. Doon na rin niya nakita si Mark na may dalang sunflowers at dito na ito nag-propose. Naroon rin ang pamilya nila sa nasabing venue.
Last December lang ay inamin ng dalawa na napaguusapan na nila ang kasal, lalo na ngayong nasa "marrying age" na ang dalawa.
Inamin din ni Mark before na halos apat na taon siyang single bago niya naging girlfriend si Aicelle. Sa ngayon ay mag-da-dalawang taon na ang relationship ng dalawa.
Kamakailan rin ay inannounce na si Aicelle ang gaganap bilang "Gigi" sa UK production ng Miss Saigon.
Congratulations, Mark and Aicelle!