
Nagtapos na ang pagtatanghal ng Miss Saigon UK tour kung saan kabilang ang Kapuso actress na si Aicelle Santos.
Ginanap sa Cologne, Germany noong March 3 ang last show ng critically acclaimed musical.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Aicelle ang kaniyang mga natutunan sa pagganap sa karakter ni Gigi Van Tranh sa Miss Saigon na dati na ring ginampanan ni Rachelle Ann Go.
Sulat niya, "And just like that we are down to our last day in Miss Saigon! What?! Thanks for an awesome year Gigi! I believe I am braver because of you! You allowed me to dance crazy like no one's watching and be as creative and entertaining as I can (at least to myself), 8 shows a week!
"Thanks for a grand holiday to places I never knew I'd see in this lifetime. You gave me peace and learning in solitude. I made new friends and discovered diverse cultures.
"You are worth every note sung, every tear shed and body pains endured. And for this precious experience I praise and give back all the glory to our Father God. Maraming Salamat!"
Walang pang kumpirmasyon kung kailan magbabalik-bansa si Aicelle ngunit ang kaniyang fiancé na si Mark Zambrano ay hindi na mapigilan ang excitement, ayon sa kaniyang comment sa nasabing post ng singer/actress.
Ani ng dating GMA News reporter, "Yehey!! Uuwi na ang mahal ko!!!"
Bukod kay Mark, excited rin ang fans ni Aicelle sa kaniyang napipintong pagbabalik.
Tanong tuloy ng ilang netizens kung ngayong taon na ba gaganapin ang kanilang kasal at kung babalik ba si Aicelle sa noontime show na Eat Bulaga, na huling kinabilangan niyang show bago lumipad patungong UK noong March 2018.