
Sila ay nagkakilala sa 'Rak of Aegis' kung saan gumaganap na Aileen si Aicelle at Tolits si Benj Manalo.
Offstage, ang leading man ni Aicelle Santos ay si Mark Zambrano. Subalit sa entablado ng Rak of Aegis, isa sa kanyang mga katambal ay si Benj, ang anak ni Jose Manalo.
Sa Instagram post, ipinaalam ni Aicelle sa kanyang kasamahan sa Eat Bulaga kung gaano niya hinahangaan ang anak nito.
“Kuya Jose Manalo, ang galing po ng anak niyo,” aniya.
Simula nang magkatrabaho sa sikat na musical, naging malapit na magkaibigan ang dalawa.
MORE ON BENJ MANALO:
IN PHOTOS: Meet the son of Jose Manalo, 'Rak of Aegis' star Benj Manalo
IN PHOTOS: Showbiz's "Most Beautiful Stars"
IN PHOTOS: Long-haired cuties