What's Hot

Aicelle Santos, hinirang na best actress para sa 'Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag'

By Marah Ruiz
Published December 20, 2017 11:45 AM PHT
Updated December 20, 2017 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Congratulations, Aicelle!

Hinirang si Kapuso singer and actress Aicelle Santos bilang Best Actress in a Featured Role sa katatapos lang na Aliw Awards 2017.

Pinarangalan si Aicelle para sa kanyang role bilang Perla sa Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag, isang musical adaptation ng nobela ni Edgardo Reyes na Sa mga Kuko ng Liwanag.

"Inihahandog ko 'to sa mga taong hanggang ngayon hindi pa rin nakakamit ang hustisya nila," pahayag niya bilang bahagi ng kanyang pasasalamat.

 

Maraming salamat po sa pagkilala. All glory to Our Father God.???? #AliwAwards #MaynilaSaMgaKukoNgLiwanag

A post shared by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

 

Ang Aliw Awards ay taunang parangal na kumikilala sa mga nagpakita ng husay sa larangan ng live entertainment tulad ng mga concert, teatro, sayaw at iba pa.