GMA Logo Aicelle Santos
What's Hot

Aicelle Santos, ipinasilip ang nangyari sa kanyang work from home set up

By Maine Aquino
Published July 12, 2020 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ebola outbreak is continuing to outpace the response, says WHO
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Aicelle Santos


Panoorin kung paano hinarap ni Aicelle Santos ang pagsubok ng work from home setup.

Tulad ng ibang naka-work-from-home ngayong COVID-19 pandemic, nakakaranas rin ng ilang hindi kaaya-ayang sitwasyon ang mga celebrities.

Isa sa mga ito ay si Aicelle Santos. Sa kanyang Instagram video ay ipinakita niya ang mga pangyayari habang siya kumakanta sa kanilang tahanan para sa programang All Out Sundays.

Saad ni Aicelle, "The unglamorous side of WorkFromHome. Watch 'til the end!"

Sa gitna ng kanyang shoot ay tila unti unti na siyang nilalapitan ng mga gamu-gamo. Dahil dito tinulungan siya ng kanyang asawa na si Mark Zambrano para makapagpatuloy na siya sa pagkanta.

Dugtong ni Aicelle sa kanyang post ay ang pasasalamat sa kanyang asawa.

"Big thanks to my cameraman, lightman, wardrobe and insect control guy, @markzambrano. Salamat mahal ko. #AllOutSundays #bloopers"

Aicelle Santos at Maricris Garcia, nag-collaborate para sa theme song ng 'Wish Ko Lang'

Mark Zambrano completes push-up challenge with pregnant wife Aicelle Santos