What's Hot

Aicelle Santos, may kondisyon bago pumayag sa first date nila ni Mark Zambrano

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 11, 2020 10:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Matapos makapasa ni Mark sa kondisyon ni Aicelle, ilang oras kaya inabot ang kanilang first date?


 

A photo posted by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

 

Isa pang bahagi ng love story nina Aicelle Santos at Mark Zambrano ang ibinahagi nila sa Sarap Diva, at ito ay ang kanilang first date.

Kuwento ni Mark, matapos niyang mapatunayan kay Aicelle na siya talaga ang nagpapadala ng messages sa kanyang Instagram account, dito na niya niyaya sa date ang singer.

READ: Paano nagsimula ang love story nina Aicelle Santos at Mark Zambrano?

Aniya, "Niyaya ko siya out to dinner."

Ayon kay Aicelle may isang kondisyon siya bago siya pumayag sa date. 

"Sabi ko magiging posible lang 'yung date if you're single at wala kang sabit. 'Yun ang sabi ko sa kanya." 

Paliwanag ni Aicelle, ito ay dahil sa ayaw niya nang madaming beses na nakikipag-date dahil nauuwi ito sa wala.

"Nakakapagod na 'yung date ka ng date tapos kukuwento mo, umpisa ka na naman."

Ibinahagi naman ni Aicelle na maganda ang kanilang first date kaya inabot sila ng limang oras.

"Ang ganda kasi ng simula namin, 'yung unang date namin napag-usapan na namin five hours kami na nagdi-dinner. So pinag-usapan na namin 'yung work, family even faith ganyan."

Dagdag ni Aicelle, "Ang ganda ng takbo ng usapan kaya nagkaroon na ng second date, hanggang sa araw-araw na kayo nagkikita."

MORE ON AICELLE SANTOS AND MARK ZAMBRANO:

IN PHOTOS: Usapang pag-ibig with Aicelle Santos and Mark Zambrano sa 'Sarap Diva'

LOOK: Traffic Diva Aicelle Santos receives a special gift from her "mahal"