What's on TV

Aicelle Santos, may payo sa mga first-time mommies

By Maine Aquino
Published March 9, 2021 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Cebu province, Cebu City suspend classes for Monday, January 19, 2026
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Aicelle Santos and Baby Zandrine


Alamin ang mga kuwento ni Aicelle Santos bilang first-time mom kay Baby Zandrine.

Puno ng happy stories as a first-time mom si Aicelle Santos.

Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, ibinahagi ni Aicelle kina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi ang mga kuwento niya bilang isang bagong happy nanay.

Ayon kay Aicelle, nag-e-enjoy siyang alagaan ang kanilang unang anak ni Mark Zambrano.

"Si Zandrine napakasarap alagaan.

"Napakabungisngis na bata. At two months old nangungusap na siya. She's a very good listener."

Ibinahagi naman ni Aicelle na isang joy giver ang kaniyang anak sa kanilang pamilya.

Kuwento ng Kapuso star, "She has dimples; really cute. Kaya kaming mag-asawa walang sawang nagpi-pictorial sa kaniya kahit tulog siya. She's just a joy giver sa aming buong pamilya."

Ikinuwento rin ni Aicelle ang kaniyang mga napansin nang ipanganak niya si Baby Zandrine noong December.

"Na-CS (Caesarean section) ako noon. Habang nakahiga ako noong lumabas na siya, narinig ko kaagad 'yung iyak niya. I noticed na pagkaiyak niya, malakas na mababa. Natawa ako, in my head sabi ko 'yung anak ko parang alto. Parang singer din siya ganyan."

Aicelle Santos and Baby Zandrine
photo source: @aicellesantos

Nagpasalamat naman agad si Aicelle nang makita niyang nasa mabuting kondisyon si Zandrine.

"Noong itinabi na siya sa akin, siyempre tiningnan ko kung kumpleto 'yung mga daliri niya ganiyan. Sabi ko, salamat Panginoon kasi normal si baby. Hindi nagkaproblema sa pagpapaanak sa kaniya. It was just a very very happy moment."

Sa mga first time mommies na tulad ni Aicelle, nag-iwan siya ng ilang mga payo.

"Enjoy the moment kasi napakabilis ng panahon. Bihira lang silang baby na puwede mong amoy amoyin, na dependent lang sila sa inyo."

Dugtong pa ng Centerstage judge, "Kasi kapag lumaki na 'yan, hindi na magpapa-kiss 'yan. Sarap kasi ng feeling na naalagaan mo sila and with breastfeeding you get to satisfy them and to hug them and to kiss them every day, every single second of the day. Enjoy the moment."

Isa pang payo ni Aicelle ay ang mommies ay dapat matuto rin mula sa kanilang mga babies.

"Learn from your baby. I'm sure maraming advice from different moms and even your parents. Of course, you listen to your pediatrician. But learn from your baby kasi iba-iba naman 'yung babies 'di ba?"

Pagpapatuloy ni Aicelle, alamin ang mga signs na ibinibigay ng mga babies para malaman kung paano maibibigay ang mga pangangailangan nila.

"Aralin ninyo 'yung mga cues niya when she wants to feed and when she just wants to talk to you 'di ba?"

Silipin ang mga cute na cute na photos ni Baby Zandrine sa gallery na ito: