GMA Logo Sparkle Singers
source: gmanews/YT
What's Hot

Aicelle Santos, Sparkle Singers, aawitin ang Eleksyon 2025 theme song na 'Panata sa Bayan'

By Kristian Eric Javier
Published November 14, 2024 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle Singers


Masaya si Aicelle Santos na makasama ang ilang bagong Sparkle Singers sa pag-awit niya ng 'Panata sa Bayan'

Taong 2018 nang i-record ni Aicelle Santos ang kantang 'Panata sa Bayan' sa United Kingdom na ginamit para sa Eleksyon 2019. Matapos ang anim na taon ay muling kinanta ito ng Kapuso Diva para naman sa kampanya ng GMA Network na 'Dapat Totoo' na theme song ng Eleksyon 2025.

Ayon kay Aicelle, ngayon na isa na siyang ina, naging mas makabuluhan na ang awiting 'Panata sa Bayan' para sa kaniya.

"Mas gusto mong mapabuti ang kinabukasan nila at sino ang gagaw nu'n? Sino ang maghahanda para sa kinabukasan nila? Tayo, tayong mga magulang nila, at may chance tayo to better their future," sabi ni Aicelle sa panayam niya kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nag-iisa si Aicelle dahil kasama na niya ang iba pang Sparkle Singers. Kabilang dito sina Anthony Rosaldo, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Garrett Bolden, Thea Astley, John Rex, Liana Castillo, Matt Lozano, Crystal Paras, Vianna Ricafranca, Megan Dionisio, Gaea Mischa, Kyline Alcantara, at Julie Anne San Jose.

Ayon sa 15 Sparkle Singer, layon nila na mag-inspire ng iba na makibahagi sa electoral process tungo sa positibong pagbabago sa lipunan. Dagdag pa nila ay mensahe rin ito ng pagkakaisa hindi lang para labanan ang fake news, kundi para maging mas mapanuri at mapagbantay ang mga mamamayan sa darating na eleksyon.

“We have to use our platform para din maka-contribute tayo in our own little way para sa pag-i-encourage sa mga kapwa natin na mga kababayan natin na bumoto ng tama,” sabi ni Julie sa parehong panayam.

KILALANIN ANG ILAN SA POWERHOUSE KAPUSO SINGERS SA GALLERY NA ITO:

EMBED: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/9898/look-powerhouse-kapuso-singers/photo

Para kay Hannah, “bilang isang Pilipino rin na nagmamahal sa bayan,” ay gusto niyang maging bahagi ng mga taong nagbibigay inspirasyon sa kapwa niya Pilipino para mahalin at maging tapat sa bayan.

“More than happy” naman si Anthony na isa siya sa mga Sparkle singers na umawit ng 'Panata sa Bayan' para sa Eleksyon 2025.

“Sa dami ng mga songs na na-record ko, isa ito sa pinaka meaningful. 'Yung sense nu'ng song, 'yung binibigay niyang mensahe sa mga Kapuso natin,” sabi ni Anthony.

Nakikita naman ni Jessica ang pag-awit nila ng 'Panata sa Bayan' bilang paraan nila para maiparating ang mensaheng maging totoo at mag-ingat sa fake news ngayong paparating na eleksyon.

Masaya rin sina Aicelle at Julie na makasama ang ilan sa mga batang Sparkle Singers lalo na at nangangahulugan umano ito na mulat sila sa mga nangyayari ngayon sa bansa.

Ani Aicelle, “Laging masaya na may kasamang ka-duet or sa grupo and lalo na mas bata sila, mas mulat, mas mulat na dapat kung bakit natin ginagawa 'yung ganitong bagay kasi gusto natin, sa pamamagitan ng tinig natin, iparating sa mga tao na pumili tayo ng tama. Para kasi ito sa bayan.”

Natutuwa rin umano si Julie sa paglahok nila sa ganitong klaseng adbokasiya, “Ngayon naman news batch of singers naman 'yung makakasama namin, mga mas bata naman, and talagang nakakatuwa kasi they also are participating sa ganitong klaseng campaign, sa ganitong klaseng advocacy.”

Panoorin ang buong panayam ng Sparkle singers dito: