
Pinabulaanan ni Aifha Medina ang kumalat noon na mga balita ng pagkaka-link niya sa aktor na si Derek Ramsay.
Sa pagbisita niya, kasama ang kapwa Sex Bomb Dancer na si Aira Bermudez sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, November 27, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Aifha kung sinong artista na napabalitang na-link sa kaniya ang hindi totoo.
Sagot ni Aifha, “Na-link sa'kin, si Derek (Ramsay). 'Yun ang hindi totoo, 'yun po talaga, big no-no.”
Pagbabahagi ni Aira, kasama niya noon ang ex ni Derek at pinag-uusapan ng mga kasamahan nila ang isang babae na nali-link sa aktor.
“Pinag-uusapan nila, parang naririnig ko pa nga, Aira. Aira, parang ang labo ko naman para patulan si Derek, no. 'Ay hindi, hindi, Aifha, Aifha.' 'Si Aifha 'to, kailangan malaman ni Aifha 'to,'” sabi ni Aira.
Pagpapatuloy naman ni Aifha, “'Yun po 'yung hindi talaga totoo as in never pa po kami nagkita, until now, ng harapan, ng personal.”
Kasal si Aifha sa businessman na si Giovanni Cheng at mayroon silang tatlong anak.
Samantala, kinasal naman si Derek sa kapwa niya aktres na si Ellen Adarna noong 2021, at may isang anak, si Liana.
Naging mainit kamakailan lang ang pangalan ng naturang aktor nang isiwalat ni Ellen na nagloko diumano si Derek. Sa isang serye ng image at video posts sa Instagram Story noong November 17, ibinahagi ng aktres ang ilang tila pag-uusap ng kaniyang asawa at ng hindi pinangalanan na babae. Hindi rin nilinaw ng aktres kung sino ang kausap ng asawa dito.
Sa hiwalay na post, sinabi rin ni Ellen na hindi niya papangalanan ang naturang babae.
“As much as I want to reveal who this girl is, I cannot. My lawyers advised me not to, I can get in trouble. Yeah, but to clarify, she is not an ex-girlfriend. She is, I thin,k a side chick, so, not an ex-girlfriend, kawawa naman 'yung mga ex-girlfriend na walang kinalaman. But yeah, I know this girl has always been there. They've been friends for decades, and she's always been there, so yeah,” sulat ni Ellen.
BALIKAN ANG TIMELINE NG RELASYON NINA DEREK AT ELLEN SA GALLERY NA ITO: