What's Hot

Aiko Melendez, aminadong nagpagupit ng buhok noon dahil brokenhearted

By Aedrianne Acar
Published March 17, 2020 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez cuts hair after bad breakup


Aminado si 'Prima Donnas' actress Aiko Melendez na nagpagupit siya ng buhok noon dahil brokenhearted siya sa pag-ibig. Dagdag pa ni Aiko, umabot sa puntong nagmakaawa siya sa harap ng kanyang ex.

Aminado ang aktres na si Aiko Melendez na nagpagupit siya ng buhok noong nakipagbreak ang kanyang ex-boyfriend.

Sa latest vlog ni Aiko, inamin din niya na may pagkakataong pumunta siya sa taping ng kanyang nobyo at nagmakaawang balikan siya nito.

Kuwento ni Aiko, "Ako, isa sa mga kagagahang ginawa ko bukod sa pamimigay ng kabuhayan showcase, mayroon akong isang beses, pinuntahan ko sa set."

"Syempre artista 'to, ayoko na mag-name pero parang given naman na ata sa inyo kung sino 'yon."

Dagdag ni Aiko, pinuntahan na niya sa set ang kanyang ex-boyfriend dahil limang araw na siyang hindi pinapansin nito.

"Pumunta ako sa set kasi hindi niya ako kinakausap, siguro mga fivce days na 'yon," kuwento ni Aiko.

"So ginawa ko, pumunta ako sa set nang wala siyang kaalam-alam.

"Pagdating ko, nakita ko si the late Eddie Garcia, si Mr. Christopher de Leon."

Maaalala na nagkatrabaho sina Eddie, Christopher, at dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana sa pelikulang Sambahin ang Ngalan Mo na naging kabilang sa 1998 Metro Manila Film Festival.

"Sabi nila, 'Anong ginagawa mo dito?'" dugtong ni Aiko.

"Sabi ko, 'Puwede ko po bang makausap 'yung ka-eksena niyo po?'

"Noong nagkaharap na kami finally, sabi ko sa kanya, 'Bakit hindi mo ko kinakausap ng tatlong araw?'

"Pumayat ako ng 15 pounds in three days. 'Bakit hindi ka tumatawag? Bakit wala? Ano? Ayaw mo na ba sa akin?'

"Alam mo ang ginawa ni bakla? Lumuhod, umakap ako doon 'yung parang pang-pelikula.

"Kulang na lang mag-walling ako sa legs niya. Sabi ko, 'Hindi pa ba ako sapat?'"

Ayon kay Aiko, ang binigay na rason ng kanyang ex-boyfriend sa kanilang break-up ay, "It's not you, it's me."

"Sabi niya, 'It's not you, it's me' kasi sinisisi niya 'yung sarili niya," ani Aiko.

"'Yun pala may babae na pala siyang iba."

Pagkatapos ng pagkikitang 'yon, nakipaghiwalay ang lalaki kay Aiko pero nakikipagbalikan ito matapos ang tatlong linggo.

"After noon, nakipaghiwalay siya sa akin tapos nakikipagbalikan after two weeks kasi in-effort ko talaga na nagpaganda ako, nagpasexy ako tapos ginawa ko, nagpaiksi ako ng buhok noon," pag-amin ni Aiko.

Pero paliwanag ni Aiko, walang siyang pinagsisisihan sa kanyang mga karanasan noon dahil masaya siya sa piling ng kanyang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain.

Anak ni Aiko si Andre kay Jomari samantalang ang dating aktor na si Martin Jickain ang ama naman ni Marthena.

"May mga pinagsisihan ako pero mostly, hindi ko pinagsisihan kasi I became a better person after and I'm blessed dahil I have two beautiful children, Andre and Marthena, who made me who I am today," paliwanag ni Aiko.

"Kung hindi ko pinagdaanan 'yung mga kabaliwan na 'yun, wala akong dalawang mga bagets 'di ba?"

Nagbigay din si Aiko ng ilang tips kung paano mag-move on mula sa isang failed relationship.

Alamin ang tips ni Aiko sa kanyang latest vlog:


Kabilang si Aiko sa top-rating afternoon drama na Prima Donnas.

Simula Huwebes, March 19, panandalian hindi mapapanood ang Prima Donnas dahil sa pag-suspend ng production ng iba't ibang show ng GMA dahil sa enhanced community quarantine.

Pansalamantalang mapapanood ang programang Ika-6 na Utos na pinagbibidahan ni Sunshine Dizon sa timeslot ng Prima Donnas.