
Isang nakakagulat na eksena ang napanood sa episode ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters. kagabi (January 9).
Sa eksenang ito ay nagpaalam na si Andrew (Will Ashley) sa kanyang ina na si Lily (Aiko Melendez) dahil sa sunod-sunod nitong mga pinagdaanang problema.
Ipinakita naman sa Instagram post ang behind the scene footage ng huling sandali ni Andrew.
Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkagulat sa pagpapaalam ni Andrew. Ayon pa sa mga nakapanood ay kahanga hanga ang pagganap nina Aiko at Will sa kanilang eksena sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Saad ng isang netizen, "Ito yata pinakamabigat na scene so far sa 3 installments ng MANO PO LEGACY. Di ko kinaya panoorin. Di na talaga kinaya ni Andrew."
"Grabe intense," comment naman ng isa sa mga nakapanood ng episode ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
PHOTO SOURCE: Instagram
Tutukan ang mga magaganap pang eksena sa finale week ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA Network.