GMA Logo aiko melendez and ken chan
Celebrity Life

Aiko Melendez, gusto makatrabaho si Ken Chan

By Jansen Ramos
Published October 23, 2022 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

aiko melendez and ken chan


Nagagalingan si Aiko Melendez sa Kapuso actor na si Ken Chan kaya gusto niya itong makasama sa isang proyekto.

Artista na si Aiko Melendez noon pa mang '80s pero kahit na maliit lamang ang mundo ng showbiz, marami pa rin siyang artista na hindi pa nakakatrabaho.

Sa isang Q&A sa kanyang Instagram Story noong Linggo, October 23, inamin ng actress-turned-politician na nais niyang makasama sa isang proyekto ang mahusay na Kapuso actor na si Ken Chan dahil aniya ay "nagagalingan" siya rito.

Nakarating naman Ken ang mga magagandang sinabi ni Aiko tungkol sa kanya at ibinahagi ang kanyang reaksyon sa Twitter.

Ayon kay Ken, "This made my day. Thank you so much Ms. Aiko Melendez. I am also looking forward to working with you soon. Sana…Sana..."

Samantala, sinagot din ni Aiko ang ilang mga tanong tungkol sa past show niyang Prima Donnas at sa bago niyang primetime series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters na mapapanood na sa Lunes, October 31.

Ayon kay Aiko, dapat abangan ang guesting nila sa Eat Bulaga ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters co-stars niyang sina Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, at Angel Guardian.

Shinare rin ni Aiko ang personal relationship niya sa kanyang Prima Donnas co-star na si Wendell Ramos na inilarawan niyang "one of my favorite leading men" at "totoong tao."

Binalikan naman ni Aiko ang paboritong eksena niya kasama si Elijah Alejo sa Prima Donnas.

TINGNAN SA GALLERY NA ITO KUNG BAKIT "SWEETHEART" ANG TURING KAY AIKO SA SHOWBIZ: