GMA Logo Aiko Melendez
Source: aikomelendez IG
What's Hot

Aiko Melendez, magkakaroon daw ng love life ngayong 2026

By Kristine Kang
Published January 6, 2026 12:07 PM PHT
Updated January 6, 2026 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Golden Globes 2026: Hollywood film and TV stars take the red carpet, 'Heated Rivalry' stars turn heads
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez


Alamin ang buong hula ni Jay Costura kay Aiko Melendez, dito:

Tila magiging blooming ang taong 2026 para kay Quezon City councilor Aiko Melendez!

Sa kanyang latest vlog, lumapit ang public servant-actress sa kilalang psychic na si Jay Costura.

Ayon kay Jay, positibo ang enerhiya ni Aiko ngayong 2026. Hindi lamang umano sa aspetong pinansyal at pamilya, kundi pati na rin sa kanyang love life.

"Sa pinapakita sa akin is may bagong relationship ka darating this 2026," hula ni Jay.

"Kailangan mo lang din paghandaan kasi itong guy na 'to maaring hiwalay rin sa partner ito 'no. Kasi may nakikita akong kids dito."

Dagdag pa ng psychic, hindi raw basta-basta ang misteryosong lalaki dahil may lahi at mayaman ito.

"Nasa kanya ang diamond. Ibig sabihin 'di siya maging pabigat sa buhay mo. Kaya niyang i-sustain or kaya ka niyang suportahan," dagdag ni Jay.

"This person maari may businesses na malalaki. I can say maganda ang pinapakita sa akin dito sa relationship na 'yan... Ibig sabihin magiging makulay ang love life mo ngayon 2026."

Bukod sa mystery guy, may isa pa raw na taong posibleng magkagusto sa aktres. Ngunit may babala ang psychic.

"Meron magkakagusto sa'yo or magta-try manliligaw pero hindi ko advice ito kasi... alam mo 'yung conflicts, so may asawa."

Ang hula ni Jay ay kasunod sa kwento ni Aiko tungkol sa mga nagpaparamdam o pumoporma sa kanya.

"Siguro meron mga nagpaparamdam pero 'di talaga ako lumalabas-labas," ani Aiko sa kanyang birthday special vlog. "May nagte-text text. 'Yung mga 'Hi, kamusta ka? Are you free to go out?' mga ganoon. Pero 'yung direktang ligaw talaga, wala."

Matatandaang noong October 2025, inanunsyo nina Aiko at Zambales Representative Jay Khonghun ang kanilang paghihiwalay matapos ang halos walong taong relasyon.

Ayon sa award-winning actress, isang mutual decision ang kanilang naging desisyon na maghiwalay.

RELATED GALLERY: Aiko Melendez's sweet moments with Andre and Marthena