GMA Logo Aiko Melendez
Photo by: aikomelendez IG
What's Hot

Aiko Melendez, may bago na bang pag-ibig?

By Kristine Kang
Published December 18, 2025 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala rules SEA Games women’s tennis; Gilas teams reach gold medal round
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez


Kumusta na kaya ang puso ngayon ni Aiko Melendez? Alamin dito.

Maraming netizens ang patuloy na nai-intriga sa love life ng aktres at politikong si Aiko Melendez.

Matatandaang noong October, marami ang nagulat sa inanunsiyong hiwalayan ng Quezon City councilor at ng Zambales Representative na si Jay Khonghun.

Simula noon, napansin ng publiko ang pagbabago sa blooming visuals ni Aiko at ang mas matinding pagtuon niya sa kanyang trabaho.

Kaya naman hindi maiwasan ng ilan na mausisa kung kumusta na nga ba ang kanyang puso.

Sa kanyang birthday special vlog, masayang nakipagkuwentuhan ang TV at movie actress sa kanyang mga kaibigang nasa politika. Isa sa mga naging paksa ng kanilang usapan ay ang kasalukuyang estado ng pag-ibig ni Aiko.

"Meron na bang nanliligaw sa'yo? Pumoporma?" tanong ni Hon. Dorothy Delarmente.

Ang sagot ni Aiko, " Siguro meron mga nagpaparamdam pero 'di talaga ako lumalabas-labas."

"May nagte-text text. 'Yung mga 'Hi, kamusta ka? Are you free to go out?' mga ganoon. Pero 'yung direktang ligaw talaga, wala."

Nang tanungin kung ano ang hinahanap niya ngayon sa pag-ibig, kaagad sumagot ang Quezon City councilor.

"Ang nagiging kasalanan ko, lagi ako naghahanap. Dapat 'di ba pagmamahal hindi hinahanap, kusang dumadating. 'Yung sinasabi mong traits na gusto ko, gusto ko 'yung mamahalin ako na pareho kami ng prinsipyo sa buhay. 'Yung pinaglalaban namin, ideals namin. Kasi importante 'yun e sa relasyon na pareho kayo ng path, pareho ng gustong puntahan. Kasi 'pag hindi kayo same page, mag-a-argue na mag-a-argue kayo."

Bukod sa usaping pag-ibig, masaya ring napagkwentuhan ng grupo ang kanilang pagkakaibigan. Kabilang dito ang madalas na pagpili ni Aiko sa pag-ibig noon kaysa sa pagsama sa mga lakad ng kanyang mga kaibigan.

Pero pangako ni Aiko, "Ngayong 50 na ko ang promise ko sa inyo hindi na 'ko mawawala... As you grow older syempre there are lessons that you've learned along the way. I've learned that you shouldn't give up your friends who were there for you at your highest and lowest, and kayo nandoon sa akin. This time around, I can promise you hindi ako mawawala. If and when."

Isang heartwarming message naman ang ibinahagi ng kanyang mga kaibigan.

"God has so many plans for you and alam nga naman natin 'yan 'di ba. Men can come and go in your life. What's important is you have two beautiful children already by your side. Kumbaga hanggang tumanda, sila ang makakasama mo. Of course, pati mga kaibigan mo," sabi ni Hon. Wency Lagumbay.

Sa kasalukuyan, mas nakatuon daw si Aiko sa kanyang tungkulin bilang Quezon City councilor. Nais din niya ipagpatuloy raw ang pagseserbisyo niya sa mga tao sa mga darating pang taon.

Tingnan ang blooming photos ni Aiko Melendez sa gallery na ito: