
Masaya si Mano Po Legacy: The Flower Sisters lead star Aiko Melendez sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang serye.
Si Aiko ang gumaganap sa serye bilang ang pinakamatandang kapatid na si Lily Chua.
Dalawang gabi na lang ang nalalabi sa kanilang programa kaya minabuti ni Aiko na magparating ng mensahe para sa lahat ng tumangkilik dito.
"Nagpapasalamat kami sa lahat ng tumutok at nanood, nakiiyak at siyempre nainis at umasa sa pagmamahal. Mayroon naman dito 'yung mga kanya-kanyang bet 'di ba? Kung maka-Lily ba sila, maka-Violet or ibang Chua sisters, kami po ay nagpapasalamat sa suporta aat pagmamahal na 'binigay niyo para sa aming show. Sana huwag kayong bibitaw dahil ito na, nandito na po tayo sa pinakaabangan niyo," pahayag ni Aiko.
Bukod dito, nagpasalamat din siya sa mga bumubuo ng serye.
"Mami-miss namin 'yung working relationship ng mga cast, crew, ang mga directors namin, ang mga staff namin at siyempre 'yung trabaho mismo kasi you know work is always a blessing. It was truly quite an experience to be working with actors na magaan sa trabaho, sa set. Talagang we built another family here on the set of 'Mano Po 3,'" aniya.
Sa huling dalawang gabi ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, mapapansin na nina Lily (Aiko Melendez) at Violet (Beauty Gonzalez) ang anumalya sa kanilang kumpanya.
May makukuhang bagong impormasyon si Violet sa pagkamatay ni Jade Lee (Casie Banks).
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.