
Proud na proud ang batikang aktres na si Aiko Melendez sa kanyang panganay na si Andre Yllana dahil nilibre nito ng dinner ang buo nilang pamilya.
Kuwento ni Aiko sa Instagram, pati ang lola ni Andre na si Elsie Castañeda ay binilhan nito ng isang smart watch.
Pagbabahagi ni Aiko, "Nung una sumeweldo si @andreyllana, alam nyo ba ano una nya ginawa? He treated the whole family for dinner."
"Tapos binilhan n'ya lola nya Elsie Castaneda ng apple watch."
Dagdag pa ni Aiko, tinanong siya ni Andre kung ano ang gusto niyang regalo ngunit pinayuhan niya ang anak na ipunin muna ang nakukuha niyang sweldo.
"Sabi n'ya, 'Mama, ano gusto mo?' Sabi ko, 'Anak, 'tago mo muna mag-ipon ka. Kapag nakaipon ka na dun mo na ako uli bilhan ng sa tingin mo pwede mo iregalo sa akin.'
"And he asked again, 'Mama, si @jickainmarthena, ano kaya pwede ko iregalo sa kanya.'
"Ganyan ka sweet at generous si Andre sa pamilya."
Bukod sa inang si Aiko at nakababatang kapatid na si Marthena, hindi rin nalimutan ni Andre ang boyfriend ni Aiko na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.
"Sabi nya, 'Mama, kapag ;di na ECQ or MECQ or kapag totally wala na virus kapag pwede na lahat ililibre ko si tito @vicegov_jaykhonghun ahh.'
"Naluha ako slight kasi 'di ko akalain lahat kami asa isip n'ya. 'Di man million pa kinikita ng anak ko pero likas sa kanya ang pagka=generous kaya alam ko Andre iblessed ka ni Lord kasi 'di ka madamot.
"We love you so much! Alam ko proud din tatay mo syo. We are all rooting for you."
Kasalukuyan nang naka-hotel quarantine si Aiko para sa lock-in taping ng Prima Donnas Season 2, kung saan gagampanan niyang muli si Kendra Fajardo.
Samantala, mas kilalanin pa si Andre sa gallery na ito: