
Aminado ang actress-politician na si Aiko Melendez na hindi perpekto ang kaniyang relasyon kay Zambales 1st district representative Jefferson "Jay" Khonghun. At sa mga pagkakataon na kailangan niya ng mahihingahan, naging sandigan niya ang kaniyang pamilya.
Sa pagbisita ni Aiko sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 9, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang baon ni Aiko na leksyon mula sa kaniyang past relationships sa relasyon niya ngayon kay Jay.
Ani Aiko, “Alam mo, Tito-ninong, dati, I always plan my life ahead and I always say na 'From this relationship, hindi ko na gagawin 'to, hindi ko na gagawin 'yan.' But when you're there, you can't plan things e, it just happens.”
Pagpapatuloy pa ng aktres ay hindi niya umano maikukumpara ang relasyon niya kay Jay sa past relationships niya dahi magkaiba naman ang sitwasyon at pagkakataon ng mga ito. Sa ngayon, mas gusto niyang sabihin na “working progress” ang relasyon nila.
“They say na 'O, eight years, ganiyan.' Pero yeah, we still go through challenges, we are not perfect. May mga oras na gusto ko nang sumuko pero dahil gusto naming 'wag sukuan ang isa't isa, we choose to stay,” sabi ni Aiko.
BALIKAN ANG JAPAN VACATION NINA AIKO AT JAY SA GALLERY NA ITO:
Tinanong din ng batikang host kung ano ang ginagawa ni Aiko kapag nasa punto na siya na gusto na niyang sumuko. Aniya, naging maganda ang kaniyang support system at sinabing naging sandigan niya ang kaniyang pamilya.
“My mom stays with me and my kids are very close to me so every time I go through rough patches in my life, I go to them,” sabi ni Aiko
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Kasi minsan, Tito-ninong, ang hirap din 'yung sasabihin mo kunyari may isa kang kaibigan na sasabihin mo lahat doon 'yung away n'yo, and then magiging okay nanaman kayo, you'd see that person differently.”
Ayon kay Aiko, natutunan na niya ngayon kung ano ang mga sasabihin niya at kapag bwisit na umano siya kay Jay, pinipigilan niya ang sarili.
“A, is there a need for me to say this, or should I just keep quiet for the meantime?” tinatanong niya umano sa sarili.
Panoorin ang panayam kay Aiko dito: