GMA Logo Aiko Melendez and Quezon City officials
Photo by: aikomelendez IG
What's Hot

Aiko Melendez, nagpasalamat sa pagkapanalo sa eleksyon

By Kristine Kang
Published May 13, 2025 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez and Quezon City officials


Labis ang tuwa at pasasalamat ni Aiko Melendez sa mga sumuporta sa kanya ngayong eleksyon.

Nag-abot ng pasasalamat si Aiko Melendez sa kanyang pamilya at mga taga-District 5 ng Quezon City matapos siyang muling mahalal bilang konsehal.

Masaya at buong pusong nagpasalamat si Aiko sa kanyang Instagram post, kalakip ang mga larawan ng kanyang proclamation.

"Salamat sa aking pamilya Jay Khonghun, Andre Yllana, Marthena Jickain, sa supporta at pagiging main part ng aking kampanya na sentro sa malasakit at pagmamahal. Sama-sama nameng iniraos ang aking kampanya napalibutan ng mga taong may malasakit, dedikasyon din para sa distrito 5," aniya.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Aiko ang kanyang core campaign team, barangay officials, at lahat ng tumulong sa kanya sa pangangampanya.

Bilang pasasalamat, nangako ito sa mga residente ng lungsod na patuloy ang kanyang serbisyo para sa komunidad. "Sa aking pangalawang termino umasa po kayo ng mas dekalidad na serbisyo mula po sa akin. Tapat at sentro na me Takot sa DIOS at Bayan!" sabi niya. "Ako po si AIKO MELENDEZ isa sa mga konsehal ninyo. Karangalan ko po ang magserbisyo sa inyo."

Sa social media, bumuhos ang pagbati para sa aktres mula sa kanyang fans at kaibigan sa industriya tulad nina Dianne Medina Ilustre at Rhen Escaño.

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)

Batay sa partial and unofficial tally ng Commission on Elections(COMELEC), nakuha ni Aiko ang mahigit 142,495 boto.

Sa labas ng pulitika, patuloy pa ring kinikilala si Aiko bilang isa sa mga mahuhusay na aktres sa showbiz. Kabilang sa kanyang mga pinagbidahang proyekto ang Rainbow's Sunset (2018), Prima Donnas (2019), at Mano Po Legacy: The Flower Sisters (2022).

Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na tumakbo ngayon sa eleksyon: