
Napapanood na gabi-gabi ang bagong episodes ng hit afternoon prime na Prima Donnas na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.
Hindi rin nagpahuli ang iba pang cast na sina Elijah Alejo, Aiko Melendez, Katrina Halili at Wendell Ramos sa paghahatid ng mga kapana-panabik na mga eksena sa muling pagbabalik nito.
Nang makapanayam ng 24 Oras ang ilan sa cast kabilang na sina Elijah at Aiko, marami umanong maiinit na tagpo at aral ang mapupulot sa mga bagong episode ng serye.
“Mas pina-mature 'yung teens. So, abangan nila kung paano ko pa rin aawayin 'yung mga Donnas kahit may social distancing. Pero ang masasabi ko lang, gusto ko rin sabunutan si Brianna mismo,” kwento ni Elijah na gumaganap bilang ang kontrabidang si Brianna.
Dagdag pa ni Aiko, may hatid ding mga aral ang serye.
“One thing na kailangan nila abangan is 'yung gaano talaga kamahal ni Kendra si Jaime. Kasi si Direk Gina (Alajar) pinakita niya talaga rito 'yung obsession ni Kendra.
“Talagang matututunan din ng mga viewers na ang pangarap ng isang tao dapat may hangganan. Hindi lahat ng pangarap mo dapat mong tuparin kung nakakasakit ka na.
“Ang tamang pagmamahal din may hangganan din kasi minsan nakakabaliw ang sobrang pagmamahal,” aniya.
Mula sa direksyon ni Gina Alajar, mapapanood ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.
Panoorin ang kanilang panayam sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.