GMA Logo Jimi Melendez and Gina Alajar
What's Hot

Aiko Melendez teases her dad Jimi Melendez and 'Prima Donnas' director Gina Alajar

By Maine Aquino
Published November 30, 2020 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Jimi Melendez and Gina Alajar


Saad ni Aiko Melendez sa kanyang post: "Bagay sila, aminin!"

Isang throwback photo ang ibinahagi ni Aiko Melendez para ipakita na bagay umano ang kanyang ama na si Jimi Melendez at si Direk Gina Alajar.

Kuwento ni Aiko sa kanyang post, bago pa man nauso ang mga loveteams, meron munang tambalang Jimi at Gina.


Photo source @aikomelendez

Saad niya sa kanyang Instagram post, "Papa Jimi ko muna and si Direk Tuding Alajar ang magka partner on screen. Bagay sila, aminin!"

Natatawang kuwento ni Aiko na open sila ng kanyang ina na si Elsie Castaneda na dapat ay si Direk Gina na lang umano ang kanyang stepmother.

"I'm very open and so is my mom Elsie Castaneda na dapat sya nalang step mom ko. Eh di sana me libre akong acting tips lagi ahahahahahah! Hays Papa naman natorpe pa!"

Dugtong pa ni Aiko, "#flashback Dba mama Elsie fan ka ni direk. gusto mag punta sa set para sa pic with direk kaso bawal lumabas mama. So mama Reminisce ka nalang muna"

Biro pa ni Aiko sa kanyang post ay kung puwede niya bang tawaging momma si Direk Gina.

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)

"Sinong agree bagay sila @ginalajar #jimimelendez Direk pwede po ba tawag ko po syo momma ahahahahaha!"

Ang ama ni Aiko na si Jimi at si Direk Gina at nagkatrabaho noon sa mga pelikulang Diborsyada, Playgirl, at Bihagin: Bilibid Boys.

Aiko Melendez on 'Prima Donnas': Matututunan ng viewers na ang pangarap ng isang tao dapat may hangganan'

Aiko Melendez denies past relationship with Rudy Fernandez