
May kakaibang bonding ang aktres na si Aiko Melendez at ang kanyang anak na si Andre Yllana ngayong mayroong community quarantine sa Metro Manila dahil sa COVID-19.
Wala ring taping si Aiko sa Prima Donnas dahil sinuspinde ng GMA Network ang production ng lahat ng shows kaya naman nasa bahay lang ang aktres.
“Pampa good vibes lang ️ hiyang hiya ang aking anak @andreyllanaa #tiktok,” caption ni Aiko sa kanyang post sa Instagram kung saan makikita ang ginawa nilang cover sa TIkTok.
Panoorin ang nakakatuwang bonding nina Aiko at Andre:
Bago pa man tumigil ang produksyon ng Prima Donnas, mahilig na mag-TikTok si Aiko kasama ang kanyang co-star na si Che Ramos-Cosio.
“Hi guys! Pampagood vibes. Exercise tayo guys! And magpaganda, papayat!” sulat ni Aiko sa caption ng kanyang TikTok kasama si Che.
Hindi rin nakaligtas kay Aiko ang video niya sa cover ni Mimiyuuuh ng kantang "Stupid Love" na inawit ng Salbakuta.
“Ang pag ibig nga naman! Buti na lang 'yung akin sa totoong buhay ay tunay yeh!!!! @jaykhonghun,” ani Aiko.
Simula Huwebes, March 19, hindi muna mapapanood ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime at papalitan ito ng Ika-6 na Utos ni Sunshine Dizon.
Samantala, mapapanood naman ang mga umereng episode ng Prima Donnas sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.
LOOK: Kapuso stars you need to follow on TikTok