GMA Logo Aiko Melendez
Source: Aiko Melendez (YT) and aikomelendez (IG)
Celebrity Life

Aiko Melendez, walang issue sa pagbibigay sustento ng kanyang ex-partners

By Aedrianne Acar
Published December 6, 2023 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez


'Waste of time and waste of energy.' - Aiko Melendez

“There is dignity in silence.”

Ito ang naging pahayag ni Aiko Melendez sa sit-down interview nila ng manager at vlogger na si Ogie Diaz sa latest vlog ng aktres nang mapag-usapan kung bakit hindi nito sinaraan ang ex-partners niya.

Anak ni Aiko si Andre sa dating asawang si Jomari Yllana at anak naman niya si Marthena sa model na si Martin Jickain.

Sa tell-all interview ng actress-politician, sinabi nito na “waster of time” lang kung aabot pa na maglalabas siya ng sama ng loob sa mga dati niyang karelasyon.

Lahad ni Aiko, “Because I always believed that there is dignity in silence, mother. 'Yung buhay naming mag-iina, si Andre at si Marthena, I raise them. Ginapang ko 'yan, there are sleepless nights. Meron mga time na talagang rock bottom ang buhay ko.

“Ginapang ko 'yang dalawa na 'yan. At kung ano man 'yung sakit na dinanas ko along the way, tanggap ko 'yun. Kasi nga, inako ko 'yung responsibilidad na dapat sa mga tatay nila. Kasi, when I took that responsibility, mother, na magiging tatay at ina ako, dapat handa ko rin tanggapin kung ano 'yung responsibilidad.

“Hindi na para bakbakan ko sila sa pagkukulang nila, kasi it won't change anything, mother, kung sabihin ko 'Yung mga tatay n'yo ganito, ganito'.”

Pagpapatuloy ng celebrity mom, “May magbabago ba? Wala naman, 'di ba? So, waste of time and waste of energy.”

“At ayoko magbago ang tingin ng mga anak ko sa tatay nila. Bakit?

“Hahayaan ko na lang na sila na makakita nun, ayokong sa aking manggaling. Kasi, kahit naman bali-baliktarin ang mundo, mother, gigising at gigising sila sa bawat umaga at bawat gabi ng buhay nila na tatay pa rin nila 'yan.”

INSPIRING SINGLE MOMS IN SHOW BUSINESS:

Nilinaw din ni Aiko na hindi siya nag-demand ng sustento kina Jomari at Martin.

Pagbabalik-tanaw pa ng Prima Donnas actress, may pagkakataong nagigipit siya sa pagbabayad ng tuition ng mga anak.

“Kaya nga siguro there was a time na dumaan ako sa butas ng karayom. Hindi alam ng mga tao 'yan, kasi nga may mga parte sa buhay ko na I just choose na maging pribado, dahil para protektahan ang mga anak ko.

“There was a time na umabot ako na talagang hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pang-tuition ng mga anak ko. Kasi nga single mom, e. And then mommy ko, nasa sa akin. So, kailangan 'yung front ko sa mga anak ko, laging kaya ko 'yan.”

Matatandaan na noong June 2020, kinumpirma ni Aiko na annulled na ang kasal niya kay Jomari.

Ayon sa report ng PEP.Ph, dalawang beses nagpakasal ang ex-couple: una ay ang civil wedding nila ng December 16, 1998 at ang sumunod ay ang church wedding sa Archbishop's Palace sa Mandaluyong noong July 2000.